HomeTopNews Philippines

“Aljur Abrenica pasado ba kay Toto Natividad bilang action star?”

Direk Toto Natividad saludo din kay Coco Martin sa pagiging mabusisi sa ‘FPJ’s

Puring-puri ng beteranong action movie at FPJ’s Ang Probinsyano director na si Toto Natividad kay bagong kapamilya actor Aljur Abrenica sa pagsabak nito sa top rating primetime teleserye.

Ayon kay direk Toto, nakitaan niya ng determinasyon si Aljur na matuto pa ng maigi para sa kanyang gagampanan na role bilang kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay.

“Ay magaling si Aljur. Nag-shooting kami few days ago at talagang willing to learn siya. Walang angal, walang ka-ere-ere ang bata. Magaling siya,” ani pa ni direk Toto.

Kuwento pa ng direktor, aabangan talaga ang paghaharap ni Cardo at ng karakter na ginagampanan ni Aljur.

“Mahirap pa talaga sabihin ngayon, pero talagang magkakaroon ng matinding pagtatagpo ang dalawang ito so abangan natin,” sabi pa nito.

Bukod kay Aljur, labis na paghanga din ang ipinaabot ng veteran action director para sa mabusisi na director skills ni Coco Martin pagdating sa mga kukuhanang eksena.

“Ramdam na ramdam ko ang intensity ni Coco. Magaling siya, madetalye sa story, sa props, sa location… Kasi creative consultant siya ng Probinsyano ang gusto niya yung naaayon sa manonood,” kuwento pa ng direktor.

Bilang action director naman, isinusulong din niya ngayon ang muling pagbuhay sa Filipino action films na aniya ay napapanahon nang ipakilala muli sa mga bagong henerasyon ng manunuod.

“Oo talagang sana magtuloy-tuloy lang tayo, umpisahan na natin ulit gaya nito [Double Barrel]. Itinataya ko ang pangalan ko dito kasi talagang maganda ang daloy ng kuwento at magaling din ang mga artista natin,” pahayag pa ni direk Toto.