HomeTopNews Philippines

“Andre, Lou, Fumiya, at Yamyam, may mga unfinished business sa outside world”

Excited sa pagtatanong ang showbiz media sa paghaharap ng Pinoy Big Brother: Osto adult big four na sina Lou Yanong, Andre Brouillette, Yamyam Gucong, at Fumiya Sankai sa isa sa mga unang ganap nila sa outside world.

Si Fumiya, nagulat at ramdam agad ang instant na kasikatan sa pagdami ng kanyang followers sa social media.

“At first, I didn’t know that my (YouTube) channel hit one million subscribers. At first, wow like him (pointing to yamyam) wow! I’m not seeing my channel pero they said your channel hit one million still. I can’t trust, I really can’t imagine my channel hits one million,” sabi ni Fumiya.

Si Yamyam naman, ang sakripisyo ng tunay na kaibigan ang hindi makakalimutan.

Meron siya bagong pangarap at ang pangarap na yun ay suportahan ako. Naano ko nun na pang! Tumagos talaga yun sa puso ko kasi first time ko yun marinig sa isang kaibigan na mag-give way siya para sa akin,” pahayag ni Yamyam.

Si Andre naman, plano kausapin ang ama ni Lou at ipaliwanag ang mga naganap sa loob ng bahay ni Kuya.

“I wanted to talk with him a lot and tell him my feelings for Lou. I know that Lou tells me that he is a very wise person so I want to tell him and talk to him and express my feelings,” paliwanag ni Andre.

At si Lou naman, ang pagpapahalaga sa pamilya ang dahilan ng naging pagsasakripisyo sa loob ng bahay ni Kuya.

“Family po talaga the reason why I’m there, the reason why I’m here right now… yung lesson na natutunan ko sa dad ko na kung wala kang mabuting sasabihin ‘wag mo sasabihin,” sabi pa ni Lou.

Inaasahan na mas magiging mainit pa kapag tuluyan nang nakapasok sa showbiz ang adult big four ng Pinoy Big Brother: Otso.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com