HomeTopNews Philippines

“Angelica Panganiban, inaming naiisip pa rin si John Lloyd Cruz”

Matapang na sinagot ni Angelica Panganiban ang ilang katanungan tungkol sa kanyang mga dating kasintahan sa truth-or-dare game kasama ang kaibigang si Patty Yap.

Matapang na sinagot ni Angelica Panganiban ang ilang katanungan tungkol sa kanyang mga dating kasintahan sa truth-or-dare game kasama ang matalik na kaibigan at fashion stylist na si Patty Yap.

Sa nasabing game, na mapapanood sa YouTube vlog ni Patty, napaamin ang aktres kung sino sa kanyang mga exes – Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz – ang naiisip niya pa rin hanggang ngayon. 

“Iyong pinakahuli, si John Lloyd, kasi siya ‘yung pinakahuli. Mas fresh kasi ‘yung memories mo doon. Pero hindi na siya naaalala na, ‘Oh my god,’ gusto mong mamatay. Naalala mo lang na, ‘Ay, kumain ako dito, kasama ko nga noon si Lloydie,’” aniya.

Tatlong taong nag-date si Angelica at John Lloyd bago sila tuluyang naghiwalay noong 2016. Sa ngayon ay isa nang ganap na ama ang aktor sa anak nila ng Home, Sweetie, Home co-star niyang si Ellen Adarna.

Kung sino naman sa kanyang mga dating kasintahan ang “yummiest”, o pinaka-sexually attractive, nilinaw ni Angelica na wala na siyang naa-appreciate sa tatlo. Ngunit dagdag niya, “Siyempre, kaya naman ako na-attract kay Derek dahil sa katawan niya… Ma-abs, ganyan. Tatlo lang naman kasi sila, at parang so far, siya lang naman ang may abs sa lahat.”

Panoorin ang buong bidyo rito:

[embedded content]

Samantala, naikwento naman ni Patty na dati na siyang nainis kay Angelica dahil sa pagiging stubborn nito. Aniya, minsan na raw nakatanggap ng “offensive” at “hurtful” na text message ang aktres mula sa dati nitong kasintahan, ngunit imbis na umalis sa relasyon ay pinili pa rin nitong manatili. 

Paliwanag naman ni Angelica, “Oo nga, sinabihan niya ako ng ganoon, pero hindi ko man lang tinake against sa kanya. Tinake ko ‘yun na ako ‘yung may problema.”

Ani pa niya, “Grabe, ‘no, ang nagagawa sa ‘yo ng love? Puwede kang umabot sa hindi mo na alam ‘yung worth mo ulit. Puwede mo kasi ‘yung ma-gain, e, at puwede mo rin ‘yung ma-lose, kahit ano pa ang ingat mo.”

“Kaya dapat sobrang stable ka pagka nagmahal ka na. Dapat sure na sure ka kung gaano na ka-important ‘yung self mo, para kahit ano’ng sabihin sa ‘yo… Noon, na-offend ako, pero hindi iyon naging enough sa akin para magalit ako sa kaniya.”

“Kaya dapat na sa right state of mind ka… Kasi may hope na, ‘Hindi, magbabago ‘yan…’ ‘Iyong power of love kaya ‘to.’ Budol ‘yon! Self-love ka na lang maniwala! Self-love na lang ang meron ngayon talaga. Iyong mga hope na ganiyan, ibibigay mo lang ‘yan sa sarili mo!”

Matatandaang huling na-link si Angelica sa kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino matapos ang kanilang onscreen reunion sa isang film at TV series. 

Sa ngayon, sinabi ni Angelica na magfo-focus muna siya sa kanyang sarili.

Aniya, “Sobrang grateful ng heart ko. Gusto ko sana maramdaman ito ng ibang tao na mag-isa, na hindi mo kailangan ng ibang tao to be happy. Kabuuan talaga ng isang tao ‘yon.

“Ang simple-simple ng happiness na makukuha mo sa mga bagay-bagay, kung liliitan mo lang ang expectations mo, ‘yung source of happiness mo.”

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com