HomeTopNews Philippines

“Arci Muñoz on getting married: ‘I think I’m ready whenever’”

Arci Muñoz, may tinatagong tattoo sa boyfriend.

Masayang kinuwento ni Arci Muñoz sa Tonight with Boy Abunda ang pagko-cosplay niya tuwing birthday niya. Ani Arci, “For the kids, Tito Boy. Mahilig po talaga kasi ako sa mga animes pero sabi ko baka mas makaka-relate sila kung Disney Princesses. So every year po, every time na may birthday, magko-cosplay ako. Magde-dress up ako as a Disney Princess for the kids po for charity.”

Dinadala daw ni Arci ang mga bata sa amusement park at three to four years na niya itong ginagawa. “I take them with me to an amusement park po. Tapos magra-rides kami, magka-kain (sic),” sabi ni Arci.

Ready na rin si Arci magpakasal sa kanyang businessman boyfriend na si Anthony Ng. “I think I’m ready whenever. I think I’m at the right age naman po and nagko-complement kami kasi nabibigyan ko ng spark yung kanyang boring life…” 

READ: LOOK: Arci Munoz sets up lovely dinner date for boyfriend

Dagdag pa ni Arci, “Ako naman ‘tong baliw, spontaneous lang na hahatakin siya anywhere tapos siya naman yung nagko-control sa akin pag sobra na yung aking kabaliwan kagaya ng mga piercings mga tattoos…”

Ayon kay Arci, nagulat si Anthony nang makita ang piercing niya sa dibdib pero wala na itong magawa. May pinakita ring tattoo si Arci sa loob ng bottom lip na ayon sa kanya hindi pa nakikita ng boyfriend

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com