“Arnell Ignacio, positibong maayos ang franchise ng ABS-CBN”

thumbnail

Public service ang hatid ni Arnell Ignacio para sa kaniyang bagong DZMM radio program.

Balik public service ngayon ang TV host-comedian na si Arnell Igancio sa kaniyang bagong DZMM radio show na Labor of Love.

Challenging na simula ito para sa TV host kasunod nang manit na usapin ngayon ng franchise renewal ng ABS-CBN na inaasahan na magtatapos ngayong March 30, 2020.

Pero ayon sa TV host naniniwala siya na magiging maayos rin ang lahat para sa Kapamilya network.

“Nakakatawa di ba, kakaiba talaga ang mga buhay natin. Sabi ko nga ‘alam mo ang natutunan ko sa buhay kapag ganitong dinadala ka nang agos sa isang very challenging na alon, e gamitin mo na ang experience mo kung paano sumagwan.’ Wala naman masama sa gagawin ko, dahil ito naman ay karugtong rin naman ito nang layunin ng gobyerno,” aniya pa sa panayam ng PUSH.

“I’m very, very sure alam mo ‘yun lang ngayon, kapag tinitingnan natin ngayon, parang wow! Pero maayos rin lahat ‘yan,” sabi pa ng TV host.

At kahit na kilala ng malapit sa gobyerno at kay President Rodrigo Duterte na nag-appoint sa kaniya sa dating posisyon sa Overseas Worker Welfare Administration [OWWA], itininanggi ni Arnell na naiipit siya sa sitwasyon ngayon ng ABS-CBN at ng pamahalaan.

“Ni minsan, hindi kayo nakarinig sa akin nang maanghang na statements sa kahit na kanino, base lang sa mga impressions, kasi ito nalang gagawin ko sa ABS-CBN objective e, ang mayroong channel to do that is the existing DZMM platform e di doon tayo,” aniya pa.

Naniniwala rin siya na public service lang ang kaniyang hatid na ang makikinabang ay ang overseas Filipino workers.

“Kung ano ang na achieve ko doon, ayun ang alay natin para sa publiko.”

[embedded content]

Simula ngayong Valentine’s Day, February 14, 2020 mapapanood at mapapakinggan sa DZMM Teleradyo ang Labor of Love ni Arnell kasama ang Radio DJ na si Rica Lazo.

Back To Top