HomeTopNews Philippines

“Baron Geisler marries non-showbiz girlfriend Jamie Evangelista”

Matagal na daw pinagiipunan ni Baron Geisler ang wedding rings para sa kanyang kasal.

Tinupad ni Baron Geisler ang pangako niyang pakakasalan ang non-showbiz girlfriend na naka-base sa Cebu na si Jamie Marie Evangelista.

Ginanap ang kanilang civil wedding nitong Huwebes, September 12, 11 a.m. sa Quezon Cit Hall. Si Judge Arthur Malabaguio ang nagkasal sa couple.

“We wanted a classic Tiffany style, buti na lang, sobrang bait ni Arlene my friend and owner so she gave me good deal,” kuwento niya about their wedding rings.

Binili niya raw ito sa AMI Jewels na matatagpuan sa Greenhills, San Juan.

Ayon pa sa aktor,  matagal din niyang pinag-ipunan ang pinambili ng platinum wedding ring nila ni Jamie. Karamihan daw dito ay katas ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumaganap siya bilang si Bungo.

Sa wedding ring ay may nakasulat na “Matthew 19:6 Baron & Jamie.” Ang Bible verse na ito ay nagsasaad na, “So they are no longer two, but one flesh. Therefore, what God has joined together, let no one separate.”

Samantala, after their civil wedding ay pinaghahandaan naman ng dalawa ang kanilang church wedding na nakatakdang gawin next year (2020).

Kuha ang larawan ng kanilang civil wedding sa post ni Jamie sa Facebook.