HomeTopNews Philippines

“Baron Geisler, may panawagan kay John Lloyd Cruz”

Inamin ni Baron Geisler na posible ang reunion ng dating youth-oriented Kapamilya series na ‘Tabing Ilog.’

Kasabay ng nalalapit na paghahanda ng aktor na si Baron Geisler sa kanyang kasal sa susunod na taon, hindi pa din daw nawawala sa kanyang isipan na imbitahin ang malalapit na kaibigan na naging bahagi ng kanyang buhay.

Sa panayam kay Baron ng PUSH at ABS-CBN News, sinabi ng aktor na gusto niyang imbitahin ang kapwa aktor na si John Lloyd Cruz sa espesyal na araw na iyon.

“Of course, hopefully, ma-contact ko si Lloydie. Nami-miss na kita Lloydie man, I miss you, man. I hope to work with you soon,” sabi ni Baron.

Hiling din ni Baron na bumalik na sa showbiz ang kasamahang aktor na kanyang kasabayan sa “Tabing Ilog”.

“Balik ka na. Kailangan ka ng industriya, pare,” sabi pa ng aktor.

Dito, ibinunyag din ng Baron na may pag-uusap para sa posibleng reunion project ng kanyang mga kasamahan sa dating youth-oriented drama na Tabing Ilog

[embedded content]

“Si Direk Malu (Sevilla) nakakausap ko. Sabi niya gusto niyang gumawa ng pelikula or series na ‘Tabing Ilog’ reunion, na malalaki na kami,” kuwento ni Baron.

At kung itutuloy man, isa lang ang tanging kondisyon ni Baron bago ito gawin: “Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work,” pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, abala si Baron bilang si Bungo sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com