“Bela Padilla, may pruweba na hindi bading si JC Santos”

Bela Padilla, ‘momshie’ ang tawag sa kanyang leading man na si JC Santos.

Hanggang ngayon ay hindi makalimutan ni Bela Padilla ang insidenteng sinupladuhan siya ni JC Santos na leading man niya sa 100 Tula Para Kay Stella.

“Sa Tonight With Boy Abunda, alam niya ‘yan, di ko talaga pinapalimot sa kanya. Every time na may shooting kami, ‘Okay na ba tayo JC? Okay na ba ako sa ‘yo?’ Wala, niloloko ko lang siya, pero siya, hiyang-hiya siya.

“Nag-meet kasi kami dati sa Tonight With Boy Abunda, parang pinakilala kami, I mean kilala ko na siya pero first time na pinagkilala kami, tapos sobrang happy ko pa, ‘Uy finally mami-meet ko na ‘to.’

“Eh, alam ko kasi yan, sa theater, tapos marami rin akong kaibigan sa theater,” kuwento niya sa PUSH.

Ayon pa kay Bela, nag-hi siya kay JC pero parang cold daw na, “Hi Bela” ang sagot sa kanya nito.

“Kaya nung nalaman kong katrabaho ko siya, sabi ko, ‘Gusto ba niya talaga akong katrabaho?’ So niloloko ko siya every shooting, sabi ko, ‘JC, okay lang ba talaga sa ‘yo na ako ang kasama mo dito?’ dagdag pa niya.

May girlfriend na si JC, pero posible bang ma-develop siya dito kung sakaling single ito?

“JC’s my age, eh, and parang I need someone older than me, mas nakaka-vibes ko, mas nakakausap ko,” matipid niyang reaksyon.

Samantala, buong pagmamalaki ding naikuwento ni Bela ang isang nakakatawang insidente sa kanila ni JC. Do’n daw niya napatunayan na hindi talaga bading ang aktor na kapareha sa 100 Tula Para Kay Stella.

Natawag daw niya ng “momshie” si JC nung time na magpapa-retouch siya sa kanyang make-up artist.

“Tapos simula nu’n momshie na ang tawag ko sa kanya.”

“Dun ko nalaman na hindi bading si JC kasi hindi siya na-offend, tinanggap niya lang. Si JC very secure,” sambit pa ni Bela.

Samantala, ayon kay Bela, naging maganda ang working relationship nila ni JC kahit first time pa lang nilang nagsama sa 100 Tula Para Kay Stella.

“Lagi siyang prepared kapag dumadating sa set. Hindi na kami nahihirapan. At ang galing niya kasi hindi talaga siya bumibitaw sa karakter niya,” sey pa niya.

Palabas na ang 100 Tula Para Kay Stella simula August 16 bilang isa sa 12 official entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

You may also like...

Facebook Auto Publish Powered By : XYZScripts.com