“Candy Pangilinan natulungan ng anak na ‘differently abled’ para sa role sa ‘Tililing’ “

Bakit hindi nag-react si Candy Pangilinan noong binabash ang poster ng ‘Tililing’?

Nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Candy Pangilinan kung bakit nanahimik siya noon sa kasagsagan ng pamba-bash ng netizens sa movie poster ng Tililing kung saan isa siya sa mga bida. Ayon kay Candy mas pinili niyang manahimik para igalang ang opinion ng mga taong ayaw sa kanilang poster.

“Hindi po ako nag-react talaga kasi that was a poster at hindi nila naiintindihan yung ibig sabihin ng poster na yon,” umpisang paliwanag ni Candy sa virtual presscon ng Viva Films movie.

Sabihin na nating nirespeto ko rin po ang kanilang mga reaksyon dahil ‘yon po ang gusto nilang sabihin. But at the same time, nagkaroon ako ng feeling na, ‘So, naapektuhan kayong lahat sa term na tililing. Naintindihan ninyo na masakit din na tinatawag or dyina-judge ng mga tao.’

It’s the same, let us not judge each other kasi lahat naman tayo, we’re not perfect. We’re not perfect, lahat tayo may pagkukulang, lahat tayo may kanya-kanyang tililing, di ba?” patuloy niyang paliwanag.

 Lahat tayo minsan nagbe-burst out. Lahat tayo minsan ay napapatid din, napapagod. So, wala akong reaksyon na masasabi kung violent o ano.

Walang ganoon kasi hindi naman nila alam ang buong konstekto ng pelikula para i-judge yung lumabas na yon,” dagdag pa niya.

May anak na isang “differently abled” si Candy – si Quentin – na teenager na ngayon,  kaya hindi naging mahirap ang paghahanda niya para sa role sa Tililing.

I think yung buhay ko naka-prepare na para mag-alaga, di ba, because I have a child who’s differently abled,” wika niya.

Tinanggap din daw niya ang pelikula na mapapanood simultaneously sa VivaMax at mga sinehan sa March  5, 2021 dahil alam niyang makakatulong ito para mag-create pa ng awareness tungkol sa mental health issues.

Back To Top