HomeTopNews Philippines

“Cast ng ‘The Ghost Bride’, inilarawan kung paano si Chito Roño bilang direktor”

Cast ng ‘The Ghost Bride’, inilarawan kung paano si Chito Roño bilang direktor

Isa ang upcoming horror movie film ng Star Cinema na The Ghost Bride sa mga inaabangan na pelikula ngayong darating na November 1. Inaasahan na muling pupunuin ng matitinding eksena ng katatakutan ang mga sinehan ng kilala at beteranong direktor na si Chito Roño.

Pero pag-amin ng ilan sa mga bida sa The Ghost Bride, dumaan din sila sa matinding takot dahil sa pagiging stricto at mitikolosong paghawak ng pelikula ni direk Chito.

Ngunit para sa lead star ng pelikula na si Kim Chiu, isang karangalan ang makatrabaho ang isang direktor gaya ni Chito Roño.

“Sobra akong honored, happy and proud to do a movie with Direk Chito. Movie kasi talaga ito ni Direk Chito so parang lahat ng naiisip niya nilagay talaga niya dito sa movie na ito. Sobra bonding kami dito ni Direk, eating bonding, chika! Alam ko nga ang childhood ni direk e,” kuwento ni Kim.

Ibinahagi din ni Kim ang sikreto niya sa pakikipag-trabaho sa batikang direktor.

“Huwag ka lang male-late talaga, kasi pag na-late ka talaga delikado ka na kay direk,” sabi ni Kim.

Para naman lay Bea Saw, parang horror house ang pakikipag-trabaho kay Direk Chito.

“Yung feeling na papasok kayo ng horror house. Pagpasok mo talagang matatakot ka, along the way matatakot ka. Pero pag lumabas ka, ibang klase ng fulfillment ang mararamdaman mo na nalagpasan mo siya, parang ganun,” pagbabahagi ni Bea.

Takot din ang nangibabaw para kay Matteo Guidicelli. Aniya, talagang ginalingan niya ang bawat eksena para hindi siya mapagaalitan ni Direk Chito.

“Natakot ako pero nabawi ko na lang sa dubbing. Sobrang pressured ko with Direk Chito. He’s very meticulous especially with blockings. Talagang you have to listen and you have to say the lines dahil kung hindi, yari ka talaga,” ani ni Matteo.

Pero aminado din si Matteo na masasabi niyang isang kaibigan para sa kanya ang direktor.

“Direk Chito is really a good and very, very nice director. He’s a director that will really talk you and he will really be your friend.”

Para naman sa mga komedyanteng sina Kakai Bautista at Beverly Salviejo, aminado silang natadtad sila ng mura ni Direk Chito noong umpisa pa lang.

“Una ko ng nakasama si Direk sa musical, talent pa lang ako noon so sanay na ako ng kaunti. Hindi naman kasi panget ang mga pelikula ni direk, lahat blockbuster, tapos lahat ang huhusay. Parang na gets ko na bawal ang balat sibuyas,” sabi ni Kakai.

Pinuna naman ni Beverly ang malaking pagbabago sa pakikipagtrabaho niya kay Direk Chito.

“Parang bipolar, sisigawan ka ng ‘Ang tanga tanga mo!’ Tapos tatahimik. Tapos sasabihin niya, ‘Tara umpisa na tayo ulit’ ganun. Pero alam niyo habang tumatagal parang… dito sa pelikula na ito bait na bait naman ako sa kanya parang ‘Nasaan na yung kilala kong Chito Roño noon?’ Nawala na yung ‘Tanga! Tanga!’ Pero ngayon iba na siya mag motivate,” naman ang natatawang pahayag ni Beverly.