HomeTopNews Philippines

“Catriona Gray, willing maging Philippine Army Reservist”

Catriona Gray says she is willing to serve for the country.

Photo credit: Joey O. Razon

Isa si Catriona Gray ngayon sa nagbibigay dangal sa Pilipinas at mas lalo pa niyang ipinakita ang pagmamahal niya sa bansa nang maipagmalaki niya ang Pilipinas sa buong mundo bilang Miss Universe.

Ayon sa Miss Universe 2018 titleholder, malugod niyang tatanggapin at paghahandaan kung sakali ang pagkakataon na maging isang Philippine Army reservist. Isa na rin ito umano sa pagbibigay pugay niya sa bansa kung sakaling mag-train siya para dito.

“I’d be open to it. I think there’s something that you definitely learn in giving back to your country in that way,” ani Catriona sa ABS-CBN News at iba pang reporters nang dumalo siya sa Philippine Army headquarters sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Nabigyan ng Command Plaque mula kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang beauty queen matapos makamit ang karangalang maipagmalaki ang Pilipinas sa ibang bansa

“Miss Gray, you have served this country long before you attained your crown. With your character, dedication, and passion, you have certainly inspired people to work harder in ending poverty and inequality,” ani AFP Chief of Staff Gen. Madrigal.