“Chie Filomeno, enjoy sa pagiging kontrabida”

thumbnail

Dream come true para kay Chie Filomeno ang gampanan ang mga nakakainis na role sa bawat proyekto.

Handang handa na muling kainisan ang Kapamilya star na si Chie Filomeno sa bagong digital project ng Star Cinema na The Four Bad Boys and Me.

Sa poster pa lang ng bagong proyekto, kitang-kita na ang nakaka-inis na looks ni Chie na tiyak pang-gigilan ng mga fans ng rising love team ng KaoRhys.

Kuwento ni Chie, dream come true para sa kaniya ang gampanan ang mga nakakabuwisit na karakter sa isang proyekto.

“Ako kasi ever since pumasok ako sa industry, gusto ko talaga maging kontra-bida which is, ‘yun ang binibigay sa akin so I’m very I’m happy for trusting me sa role ni Stacey,” bungad ni Chie.

At kahit new normal ngayon sa trabaho, hindi nagpa-awat si Chie na paghusayan ang kaniyang karakter nilang kontrabida.

“Ako po binasa ko talaga ‘yung script ng paulit-ulit para alam ko siya by heart also. And ita-try ko talaga yung sariling shoes ni Stacey Chua and magpapahirap sa buhay ni Candice (Kaori Oinuma),” sabi pa niya.

At kung tatanungin kung handa na bang i-bash online dahil sa kaniyang gagawing role, sagot ni Chie : “Nakakainis talaga e’ (laughs) kaya Ready na!” masayang pahayag ng Kapamilya Star.

Mapapanood ang The Four Bad Boys and Me sa darating na August 27 sa YouTube channel at Facebook page ng Star Cinema at soon sa Spotify sa direksyon ni Joel Ferrer.

Back To Top