“Designer Ito Curata dies of COVID-19”

thumbnail

Veteran fashion designer Ito Curata falls victim to the global pandemic.

Pagdadalamhati ngayon ang nararamdaman ng fashion industry sa biglang pagpanaw ng veteran bridal gown designer na si Ito Curata.

Sa Instagram post ng Lifestyle Asia Magazine, kinompirma nito ang malungkot na balita sa pagpanaw ni Curata nitong March 26 sa Asian Hospital. 

Ayon sa ulat, komplikasyon ng Pneumonia dala ng COVID-19 ang naging dahilan ng pagpanaw ng veteran designer.

Panalangin at papuri naman ang ipinaabot ng mga kaibigan ng namayapang designer para sa kaniyang naging ambag sa fashion industry.

Kabilang na sina 2018 Binibining Pilipinas International Patricia Magtanong at 1984 Miss Universe Philippines Desiree Verdadero na ilan lang sa mga personalidad na dinamitan ng veteran fashion designer.

Markado din si Ito bilang unang Filipino fashion designer na nag-damit sa American model at actress na si Sharon Stone

Back To Top