HomeTopNews Philippines

“Director Joey Reyes wants to challenge Pinoy audiences for PPP”

Director Joey Reyes hopes the first Pista ng Pelikulang Pilipino will make Pinoy audiences become more discerning.

Isa si Direk Joey Reyes sa screening committee ng unang Pista ng Pelikulang Pilipino at magagandang salita ang narinig natin mula sa kanya sa pagsisimula ng isang bagong festival na makakatulong sa local movie industry.

Sabi ni direk Joey, hindi na mahalaga ngayon ang label na indie at mainstream kundi ang pelikulang gawang pinoy.

“Dito patas ang laban sa commercial and independent movies na hindi kinikilala ang distinction ng commercial movies at independent films, but they’re just Filipino films. Para mas maging malawakan ang maging mercado ng Filipino filmmakers,” sabi ni Direk Joey.

Mahalaga rin na makilala ng local audience ang isang filmmaker bago ito sumikat sa ibang bansa.

“Bago ka ma-recognize abroad, dapat kilalanin ka rin ng iyong mga kababayan. Hindi ka gumagawa ng pelikula para sa film festivals abroad,” sabi pa ng director.

Ang magkaroon ng inspirasyon muli ang local audience na bigyang priority ang mga pelikula na gawa ng mga Flipino ang siyang pinakamahalaga sa lahat.

“Ang laki ng paniniwala ko na ang importante hindi iyung magkaroon tayo ng independent cinema eh. Kailangan makilala ng mga Pilipino ang produkto ng independent cinema at worldwide, magkaroon ng discrimination against commercial films. Ayan na naman ang crab mentality natin na sumisira sa ating kultura at ating bayan,” kuwento ni Direk Joey.

Paniniwala pa ng direktor, mahalaga ang pundasyon na naibibigay ng mga lokal na pelikula sa isang bansa.

“I think importante na maging successful itong PPP, ang pelikula ang pinakamahalaga kundi man pinakamatatag na pagkatao ng isang kultura,” kuwento pa ni direk Joey.

At ang challenge na ibinibigay ng veteran screenwriter at director sa Pinoy audience: “Hindi sapat na manood ka, kailangan mo kumilatis at maghanap ka ng inspirasyon sa mga napanood mo para sa mga gagawin mo.”