HomeTopNews Philippines

“Elisse Joson, nilinaw na ‘tropa’ lang sila ni Jameson Blake”

Sinagot ni Elisse Joson ang matagal nang isyu tungkol sa kanila ni Jameson Blake at sinabing ‘tropa’ lang sila ngayon.

Sa episode ng HOTSPOT ni DJ Jhai Ho nitong Miyerkules October 9, nilinaw ni Elisse Joson ang tunay na relasyon niya kay Jameson Blake. Habang nakasabak sa ‘Jojowain o Totropahin’ challenge, nilinaw ng aktres na ‘tropa’ lang sila ngayon ni Jameson.

“Ngayon tropa kami talaga,” sabi ni Elisse.

Pagpapatuloy niya, aminado siya na lumalabas sila ni Jameson noon, pero hindi ito nangangahulugang ‘date’.

“Kasi naman dati, lumalabas kami. Hindi naman namin napag-usapan na dating or what. Pero totoo naman na nagparamdam siya noon. Ngayon kasi, parang friends talaga kami,” paliwanag ng aktres.

“Pag kasi nakikita niyo together hindi naman ibig sabihin no’n merong something,” birong pahayag ni Elisse sa mga nagbibigay kahulugan sa isyu.

Sa parehong episode din ng Hotspot online show, sinabi rin ni Elisse ang masayang disposisyon ngayong single siya.

“To be honest ngayon ko lang siya na-enjoy… Ang saya nung marami kang friends. Kung meron mang magparamdam kinikilala mo muna, tinitignan mo kung compatible kayo, kung swak kayo, kung magwo-work kayo if ever magiging mag-jowa kayo,” paliwanag ni Elisse.

Panoorin ang buong episode dito:

Bida si Elisse sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan ay unang beses niyang makaka-trabaho si Richard Gutierrez. Mapapanood ngayong Sabado ang MMK: My Handsome Boss.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com