HomeTopNews Philippines

“FUNNY! Mela Francisco takes over mom Melai Cantiveros‘ hosting duties on ‘Magandang Buhay’”

Gayang-gaya ni Mela ang kanyang mommy Melai sa pagho-host at pagpapatawa.

Sinorpresa ng Magandang Buhay team si Melai Cantiveros para sa Mother‘s day special episode nito kahapon, May 10. Wala kasing ideya si Melai na nag-ala momshie host na rin ang kanyang anak at ininterview pa ang mga Pinoy Big Brother hosts na sina Robi Domingo, Kim Chiu, at Bianca Gonzalez. 

Ipinanood kay Melai ang nakakatawang pagsubok ni Mela sa pagho-host ng show. Ayon sa kanya, hindi mahiyain ang anak niya dahil sa madalas itong sumasama sa mga shooting niya. 

Lately kasi, lagi kong nasasama si Mela dahil lagi siyang iniimbitahan ng Magandang Buhay, at nasasama ko rin siya sa PBB kasi love na love siya ng mga co-host ko doon, so nae-ejoy niya ang (showbiz) world,” kuwento ni Melai. 

Panuorin ang buong video dito:

[embedded content]

Nakikulit at nakisayaw din ang limang taong gulang na si Mela sa Summer Station ID ng ABS-CBN, kasama ang ina at iba pang PBB hosts.

Si Mela ang panganay sa dalawang anak nina Melai at Jayson Francisco. Mapapanood ang iba pang kakulitan ni Mela sa Youtube Channel ng pamilya Francisco. 

[embedded content]