HomeTopNews Philippines

“Geoff Eigenmann, suportado ang collaboration ng mga Kapuso at Kapamilya stars”

‘It will only open new things and good things,’ ayon kay Geoff Eigenmann.

Bilang isa sa mga artistang nagkaroon ng oportunidad sa magkabilang network na GMA at ABS-CBN, nagbigay ng pahayag si Geoff Eigenmann sa pagsisimula ng mga collaboration projects ng mga Kapuso at Kapamilya stars. Ayon sa aktor na isa na ngayong ‘freelance,’ suportado niya ang hakbang na ito sa industriya ng showbiz. 

“I’m all for that. Kasi mas mabuti na yung this kind of industry, na wala na yung boundaries like, you can’t do this because you’re part of this, or you can’t be paired with someone. 

“Mas maganda yung you open your doors to everyone,” pahayag ni Geoff sa press sa blog conference kahapon, August 1, para sa kaniyang aabangang teleserye na The Killer Bride.

Dagdag pa ng aktor, “Ngayon nagsisimula pa lang – what if both companies merge into a single project diba, tapos pumatok at magustuhan ng buong mundo kumbaga, what if? 

“It will only open new things and good things, I think,” sabi ng aktor. 

Sa parehong interview din, nagpasalamat si Geoff sa mabilis na pagbibigay sa kaniya ng proyekto, matapos ang kaniyang pananatili sa kabilang estasyon. 

Sa kaniyang bagong pagbibidahang serye kasama si Maja Salvador, aminado si Geoff na may pressure sa kaniya na panatilihin ang hype ng mga manonood lalu pa’t naging trending sa social media ang trailer nito. 

“Siyempre may pressure din na to give them an awesome show na papanoorin ng lahat, kasi ngayon trailer pa lang, the making of pa lang, inaabangan na. Especially after the showing of that, mas lalo na inaanticipate yung show because of what they saw already.

“We can just leave it to the work we do. Doon sa araw araw naming ginagawa, an the pressure I guess will leave our shoulders already pag nalaman na namin yung reaksyon ng mga tao,” paliwanag niya. 

READ: Joshua Garcia and Janella Salvador are open to doing kissing scenes in ‘The Killer Bride’

Magsisimula nang ipalabas sa Primetime Bida ang The Killer Bride sa August 12. Gaganap si Geoff bilang Vito Dela Cuesta, ang magiging love interest ng karakter ni Maja, at magiging ama naman ng karakter ni Alexa Ilacad.