HomeTopNews Philippines

“Geoff Eigenman,naninabago sa pagbabalik sa ABS-CBN Ball”

Summary: Isa si Geoff sa mga unang artista na dumalo noon sa Kapamilya event na Star Magic Ball.

Kabilang ang The Killer Bride star na si Geoff Eigenmann sa mga dumalo sa naganap na ABS-CBN Ball 2019.

Solo man na rumampa sa red carpet, masaya si Geoff sa kanyang pagbabalik sa taunang gathering, bilang isang Kapamilya.

Naninibago man, ayon kay Geoff, malaki na ang pinagkaiba ng taunang pagsasama-sama ng mga bituin na dating Star Magic Ball kung saan isa siya sa mga unang artistang naka-dalo.

“Yeah it’s my first time back and this is the first one (as Kapamilya) and ang daming nangyayari and it wasn’t like the first time around so I guess everything is on point and everyone is doing their thing,” sabi pa ni Geoff.

“It’s good to be here, it’s been a while, so medyo lost.”

At sa kanyang pagiging bahagi ng The Killer Bride, hindi rin inaasahan ni Geoff na magiging mainit ang pagsuporta ng manonood sa kanilang programa.

“Ibang klase ang mga reaction ng mga tao, about the show. It’s crazy, pero maganda siya kasi. It’s a first murder mystery genre, tapos ‘yung combination ng characters and how  the story goes, so I’m very happy with the outcome,” pahayag niya.

Patuloy na mapapanood si Geoff bilang si Vito Dela Cuesta sa The Killer Bride gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com