HomeTopNews Philippines

“How much is Catriona Gray’s Miss Universe Mikoto crown?”

Matapos manalong Miss Universe, anu-ano ba ang mga nakuhang premyo ni Catriona Gray?

Tila buong Pilipinas ang nagdiwang sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang bagong Miss Universe. Anu-ano at magkano nga ba ang mga napanalunan ni Catriona Gray mula sa international pageant?

READ: Catriona Gray is Miss Universe 2018

Sa coronation night kahapon, December 17, isinuot kay Catriona ng 2017 Miss Universe title holder na si Demi-Leigh Nel-Peters, ang Mikoto crown, na ayon sa report ng Esquire Magazine ay nagkakahalagang $250,000 o P13.2 million. Ang naturang korona ay may 500 diamonds na may bigat na 30 carats at 120 South Sea and Akoya pearls. 

Tunay na ngang ganap na queen si Catriona dahil ayon sa isang local publication sa UAE (United Arab Emirates) na The National, bukod sa mamahaling korona, makakatanggap siya ng year-long salary bilang Miss Universe at luxury accommodation sa New York City apartment kasama pa ang living expenses. Dagdag pa riyan ang one-year supply of beauty products, isang full shoe wardrobe mula sa Chinese Laundry Shoes and Accessories, skin and healthcare products, at personal appearance wardrobe and styling mula sa Miss Universe Organization official fashion stylist.

LOOK: Catriona Gray’s message after winning Miss Universe 2018

Hindi pa kasama sa mga nabanggit ang potensyal na endorsements mula sa malalaking brands, at extensive trips kasama ang iba’t-ibang charitable organizations para sa pagpapalawak ng kanyang adbokasiya. Ang natanggap na title ay isang oportunidad din para kay Catriona na magkaroon ng exclusive access sa mga prestigious at international events tulad ng fashion and modelling casting events, movie premieres, Broadway shows at iba pa.

READ: Pia Wurtzbach, may special na mensahe para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray