HomeTopNews Philippines

“Ikinasal na ang singer na si Gerphil Flores sa kanyang long-term boyfriend na si Brad Libanan”

Ikinasal na ang singer na si Gerphil Flores sa kanyang long-term boyfriend na si Brad Libanan.

Kinumpirma ito ng kanyang talent manager at film producer na si Girlie Rodis nang magbahagi siya ng ilang retrato mula sa kasal na ginanap nitong Linggo sa Manila Cathedral.

Ilan sa mga celebrities na dumalo sa seremonya ay ang kapwa singer na si Jose Mari Chan at komedyanteng si Giselle Sanchez.

Hulyo noong nakaraang taon nang ibinahagi ng dalawa ang balita tungkol sa kanilang engagement matapos ang siyam na taon bilang couple.

Unang sumikat si Gerphil nang mag-audition siya sa “Asia’s Got Talent” noong 2015 at nakatanggap ng golden buzzer mula kay David Foster.

Nakaabot man sa finals, hindi pinalad si Gerphil na magwagi matapos na talunin ng all-male shadow play group na El Gamma Penumbra.