“Ina ni Miss Universe PH Rabiya Matteo, proud sa tagumpay ng anak “

thumbnail

All out ang support ng ina ni Rabiya Matteo sa pangarap ng kaniyang anak.

Sa unang pagkakataon, humarap sa piling miyembro ng media si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Matteo matapos niyang koronahan bilang pambato ng Pilipinas sa darating Miss Universe.

READ: Iloilo’s Rabiya Mateo crowned Miss Universe Philippines 2020

Sa kaniyang mga sagot sa katanungan ng press, mababatid ang tunay na pagkatao ni Rabiya, na hindi ikinakahiya ang mga pinagdaanang hamon sa kaniyang buhay bago maabot ang tagumpay.

Makaka-relate marahil ang karamihan  sa personal story ni Rabiya na nagtiis, nagsumikap at nagtagumpay sa hamon ng buhay, na pinatunayan ng kaniyang ina.

Hindi man present ngayon sa tabi ng kaniyang anak, proud na proud ang ina ni Rabiya na nagpadala ng mensahe sa kaniya sa pamamagitan ng isang video.

Simple lang naman ang happiness namin,” bungad ng ina ni Rabiya na ibinahagi kung paano sila nagsi-celebrate tuwing may masayang pangyayari sa kanilang pamilya.

Kakain lang kami sa labas, pagakatapos niyan balik na kami sa normal life namin. Nag-aaral sila back and forth nagluluto ako, pinagsisilbihan ko sila,” kuwento ng ina ni Rabiya, na solong itinaguyod ang kaniyang dalawang anak.

Aniya, kahit pangarap man ng kaniyang anak na si Rabiya ang sumabak sa beauty pageant, mas pinagbuhusan muna nito ang maghanap buhay upang makatulong sa kaniyang pamilya sa Iloilo.

Ang pag-join niya sa Iloilo pageant, ang handler niya, ang kulit ng kulit siya akin na ipa join ko si Rabiya. That time, busy siya noon kasi lecturer siya sa Manila. E’ ang lakas ng convincing power niya, e sino ba naman kami para mag-say no, so that time sinabi ko na, “‘nak uwi kana dito sa Iloilo’ magpaalam ka muna dyan sa pinagtatrabahuhan mo kung makakabakalik ka pa sana,” kuwento ng Ina ni Rabiya na isa rin sa nagkumbinsi sa sa anak para sumabak sa local pageant sa Iloilo City.

Kasi, once in a lifetime opportunity lang ito and it only comes once. After that sa memories mo, may makukuwento ka sa magiging pamilya mo sia mga magiging anak mo na, ‘mga anak, nag join ako ng pageant nag join ako sa Iloilo’ hanggang doon lang naman kami,” sabi pa ng ina ni Rabiya.

Bilang isang ina, masaya na siya na makita sa entablado ang anak na rumarampa at pinapalakpakan ng mga kababayang Ilongga.

Ang usapan namin ng manager, ‘manalo, matalo, rampa lang!’ E nanalo. So nag represent siya ng Miss Universe Philippines ng Iloilo diyan sa Manila,” masayang sambit ng ina ni Rabiya. “E nanalo pa rin, so Miss Universe na ng Philippines.”

At tulad ng pagsabak ni Rabiya sa local pageant sa Iloilo, excited ang pamilya niya na i-cheer siya sa mismong Miss Universe pageant stage kung saan ibabandera ni Rabiya ang Iloilo at ang buong Pilipinas.

Iloilo, this crown is for you! I still can’t believe it happened. I’m still in shock right now and I’m still trying to absorb everything. I just wanna thank all the people who had helped me in this journey. To the Mateo Family, everyone from Balasan, my classmates from BCS, St. Candida School and Iloilo Doctors’ College, co-interns from SPUI especially to Anny Yu, my bestfriends, Acel, Andrea, Mimi and Karen Alerta, my #TeamBactung, Mama Dette, Raping, Toto and Inday Meggy, to Lula family especially to Bling, Remjo and Mara, to my make up artists Benjie, Gio Forbes, Maki Gu and Migz, to my stylists Dom, Josh and Nung Ryan, designers like Sir Bo, Paul Conte, Ram Silva(ily), Mamang Jet Salcedo, John Lee, Tata Blas Pinuela, Sir JunG Candelario (The best!), Sir Andrew Bugna and Sir Sidney Eculla, thank you so so so much. For most of the projects we have, I couldn’t even pay you guys a single cent and you still helped me because you are the kindest people on Earth. I share this crown with each and every one of you! P.S. There’s still a Part 2 and 3 of my appreciation post. I wanted to make sure I would be able to mention everybody who helped me 🙂

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo) on Oct 27, 2020 at 8:02pm PDT

Matatandaan na sa panayam ni Dyan Castillejo, alay ni Rabiya ang tagumpay sa Miss Universe Philippines sa kaniyang nanay.

I offer this success to my single mother,” aniya sa panayam.

Ayon pa kay Rabiya, ang kaniyang ina rin ang kaniyang inspirasyon. 

Masayang masaya s’ya kasi pangarap n’ya rin ‘to sa akin, ‘Yong mama ko kasi palagi n’ya ako nire-remind na, ‘Anak, huwag ka talaga magpapadala sa fame. Huwag kang magpapadala sa pressure. Always be Rabiya na lahat na nakakakilala sa’yo… Don’t let the world destroy who you are,” pahayag pa ng newly crowned Miss Universe Philippines sa panayam naman ni Adam Genato.

Sa ngayon, manatili muna si Rabiya dito sa Manila kung saan hinaharap niya ang iba’t Ibang duties and responsibilities niya bilang 2020 Miss Universe Philippines.

Back To Top