HomeTopNews Philippines

“Instastalker: Lambingan sa social media ng mga bituin sa unang linggo ng 2018”

Puno ng kilig at walang katulad na mga matatamis na palitan ng mga sweet social media status ng ilang celebrity couples ang pinusuan ng mga netizen sa pagbubukas ng 2018.

Isa na dito ang kilig message ni Enrique Gil sa kanyang kapareha na si Liza Soberano na katatapos lang na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Kilig overload naman ang LizQuen fans ng tawagin ni Enrique si Liza na “My Forever.”

Sa matamis na halik naman sinalubong ni James Reid at Nadine Lustre ang 2018 na patunay na matatag padin ang kanilang pag iibigan.

Excited naman ang soon to be couple na sila Maxene Magalona at Rob Managquil sa kanilang engagement photos.

Glowing at masaya si Maxene na pruweba ng tunay na pagmamahalan nila ng kanyang mapapangasawa na si Rob.

Kilig din sa kanilang lambingan post sa social media accounts ang aktres na si Angel Locsin at rumored boyfriend nito na si Neil Arce.

Ayon kay Angel si Neil ang best part ng kanyang 2017, na sinagot naman ni Neil na mas gagalingan niya para sa kanilang forever. Happy din ngayon ang kapamilya star na si Arci Muñoz at non showbiz na boyfriend nito na si Anthony Ng.

“I found my bliss, my love and my friend,” ang kilig na status ni Arci. Hindi din papahuli ang mainit na inaabangan ngayon na sila Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na.

Sa huling Instagram post ni Ellen, makikita na kasama ni John Lloyd ang pamilya ni Ellen na napapabalitang karelasyon ngayon ng aktor.