HomeTopNews Philippines

“‘Isang Linggong Pag-Ibig’ ni Imelda Papin, bibigyan ng bagong buhay ni LA Santos”

Hands-on ang Jukebox Diva sa pag pili sa magbibigay buhay sa kanyang awitin.

Aprubado ng Jukebox Diva na si Imelda Papin ang naging kinalabasan ng kanyang classic hit na “Isang Linggong Pag-ibig” na binigyang buhay ng Star Music talent na si LA Santos.

Ayon kay Imelda, special request niya sa composer ng kanyang classic hit na si Mon Del Rosario na isang millennial singer ang mag revive ng kanyang awitin.

“Sabi ko if ever na may mag-revive, sana male version naman and sana millennial talaga and isa ako sa mga masasabi ko na namili kay LA para gawin ang song,” ani Imelda sa naganap na single launch.

Aniya pa, hindi din niya tinutulan ang bagong areglo ng kanyang classic hit.

With his kind of music and tempo, swak siya sa bagong version ng ‘Isang Linggong Pag-Ibig,’” sabi pa niya.

Labis naman ang pasasalamat ni LA sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Jukebox Diva.

“Sobrang pasasalamat ko po, dahil ipinagkatiwala po sa akin ni Tita Mel (Imelda Papin) ang classic hit po niya, ever since po na unang magkita kami, pinapangarap ko na po ang song niya na ito,” pahayag pa ni LA.

Bukod sa “Isang Linggong Pag-Ibig”, nasa plano din ni Imelda na ipa revive sa young singers ang kanyang mga timeless hits.