“‘Jake And Charice’, nominado sa 2020 International Emmy Awards”

thumbnail

‘Jake And Charice’, ang dokyumentaryo tungkol sa buhay ni Jake Zyrus, ay isa sa mga Internal Emmy Award nominees ngayong taon.

Masayang ibinahagi ng singer-performer na si Jake Zyrus ang bagong tagumpay ng kanyang documentary film na Jake And Charice na nakakuha ng nominasyon para sa 2020 International Emmy Awards.

Sa Instagram post ni Jake, proud na ibinahagi ng singer ang magandang balita na bahagi ang kanyang docu film sa mga nominado sa Best Arts Programming category kung saan kahanay niya ang ilan pang documentary entry tulad ng Refavela 40 ng HBO Brasil / Conspiração (Brazil), Ressaca Babel ng Doc / France Televisions (France) at ang Why do we Dance? ng Sky Arts Production Hub (United Kingdom).

Ang Jake and Charice ay produced ng Nippon Hoso Kyokai o NHK Japan na hango sa tunay na buhay at pinagdaanan ni Jake Zyrus bilang isang transman (transgender man). 

Mapapanood rin sa documentary ang journey ni Jake matapos niyang talikuran ang buhay niya bilang isang babae.

READ: Documentary tampok ang buhay ni Jake Zyrus, kinilala sa US International Film & Video Festival

Taong 2019 ng napanood sa Japan ang Jake And Charice na una na rin tumanggap ng pagkilala tulad ng Gold Camera award sa United States International Film and Video Festival nitong taon.

Sa darating na November 23, 2020 gaganapin ang 48th edition ng International Emmys Award.

Back To Top