“Jennylyn Mercado at Dennis Trillo mas tumibay ang relasyon ngayong pandemic”

thumbnail

Hindi na daw madalas mag-away sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ngayon.

May pagbabago ngayon sa working relationship ng magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kung ikukumpara noong bago pa lang ang kanilang relasyon.

Ayon sa aktres, hindi na raw sila madalas mag-away ngayon ni Dennis.

“Ngayon, hindi na kami nag-aaway. Dati, away kami nang away sa set. Ngayon, mas naging smooth na,” pagtatapat ni Jennylyn na sinang-ayunan naman ni Dennis.

“Mas nae-enjoy naming magkasama sa trabaho, siguro dahil marami kaming ini-spend na time ngayong quarantine. Mas nag-a-adjust kami kasi mas lalo kaming magkasama everyday. So, nadala namin yun kahit na nandun’n kami sa trabaho,” pahayag naman ni Dennis.

Iginiit din ni Jennylyn na kahit naman noon pang wala silang relasyon ay masarap nang katrabaho ang aktor.

Ever since naman, kahit noon pa, si Dennis, sa trabaho, masarap siya talagang katrabaho kasi napakagaling naman na aktor talaga,” sabi pa ng aktres.

Eh, kumusta na nga ba ang relasyon nila ngayong pandemic?

“Siguro ngayong pandemic, ang sukdulan lang na nararamdaman ko palagay ko, yung pag-ibig ko kay Jen. Sukdulan na yung pag-ibig ko,” deklara ni Dennis sa virtual conference ng GMA-7 para sa kanilang TV show.

Kinikilig namang reaksyon ni Jennylyn, “Nakakainis.”

Dagdag pa ulit ni Dennis, “Wala na akong maisip na ibang narating ko na umabot sa pinakarurok kundi yon. Kaya siguro, yon ang masasabi ko—pagmamahal na sukdulan.”

Tanong nito kay Jennylyn,  “Ikaw?”

Sagot naman ng girlfriend, “Ay, siyempre, ganu’n din!”

Back To Top