HomeTopNews Philippines

“Jodi Sta Maria dreams of putting up a clinic for people with depression”

Jodi Sta. Maria plans to take up a Masters Degree in Psychology.

Excited na ang mga momshie hosts sa mga ibinahaging plano ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa episode ng Magandang Buhay kahapon, April 29.

“Prayer ko na makapag put-up ako ng small clinic, para makatulong sa mga taong nagsa-suffer from depression, anxiety, [para] magamit ko yung mga natutunan ko sa school para makatulong sa mga tao,” pahayag ni Jodi na plano na ring kumuha ng kanyang masteral degree pagkatapos ng kanyang graduation.

Nang tinanong kung personal ba siyang nakaranas ng depression o anxiety, “I think halos lahat naman e. Life is not perfect. At one point darating ka sa sabihin na nating ‘breaking point’ mo. And then that’s when you realize na parang these types of courses and professions, are helpful,” sagot ni Jodi.

Nitong January ay ibinalita rin ni Jodi sa kanyang YouTube vlog ang pagiging Top 2 sa Dean’s List ng kursong Psychology sa Southville International School and Colleges. 

[embedded content]

Sa kabila ng iba’t ibang achievements sa pagiging estudyante at aktres, aminado si Jodi na hindi naging madali na pagsabay-sabayin ang mga ginagawa.

“Hindi madali, kasi may mga moments na umiiyak ako, dahil sa sobrang daming kailangang gawin, sumasabay sa trabaho, sumasabay sa pagiging nanay ko. Pero ipu-push ko talaga,” ani Jodi.

Nagsimula na ang bagong teleserye na pinagbibidahan ni Jodi, ang Mea Culpa: Sino Ang May Sala? sa Primetime Bida. Bukod dito, aabangan din ang aktres sa bagong pelikula kasama si Gabby Concepcion, ang Man And Wife.