HomeTopNews Philippines

“John Estrada may traumatic experience sa laruang train”

John Estrada, naalala ang namayapang lolo at kapatid.

Kahit pala isang lalaking matikas na kagaya ni John Estrada ay takot din sa multo. Ito ang kanyang inamin sa ilang entertainment press nang humarap siya para sa presscon ng pelikulang The Last Interview na pinagbibidahan niya.

Nagsimula raw ang takot niya sa multo dahil sa laruang train.

“Nung bata ako, hindi ko makakalimutan yon, siguro do’n nanggaling yung trauma ko. Siyempre, musmos ako noon, I was seven years old at yung bunso kong kapatid na lalaki was five. Namatay yung lolo ko, na ang pinakapaborito niyang apo ay yung bunso kong kapatid.

“Meron akong laruan na train, aside sa walang baterya yon, sira na. So, ang katabi kong matulog parati yung bunso kong kapatid na lalaki – ang pangalan niya Eduardo.

“May sakit siya noon, high fever. Kamamatay lang ng lolo ko no’n ng mga five days at yung casket ng lolo ko nasa amin pa, nasa taas ng bahay namin kasi ganun sa probinsiya, yung burol nasa bahay.

“Nakita kong tumunog yung train kong yon, may ilaw yon sa bandang taas kung saan lumalabas yung parang usok no’n. Umilaw yon tapos tumunog habang nasa taas ng aparador namin pero sira na talaga. Kitang-kita yon ng mga mata ko,” pagbabalik-tanaw na kuwento ni John.

Sad to say, namatay din daw ang bunso niyang kapatid pagkatapos ng dalawang buwan.

Patuloy ni John, “Hanggang two months after, namatay yung kapatid ko. Sinabi sa akin ng nanay ko, ng lola ko na parang kinuha ni lolo yung paborito niyang apo. So nung namatay naman yung kapatid ko, yon uli, tumunog na naman yung train. Hanggang hindi na ako makatulog at araw-araw umiiyak na ako.

“Ayoko nang matulog sa room na yon kasi nga ayokong makita yung train na umiilaw tapos tumutunog na alam ko namang walang baterya at sira na. So I guess, do’n na-develop yung takot ko sa multo.”

John is playing the role of the late Tanuan Mayor Antonio Halili in The Last Interview. Tinanggap daw niya ang project dahil alam niyang hindi ito gagamitin sa pulitika.

“First and foremost, before I said yes to this movie, nag-usap muna kami ni Direk Ceasar (Soriano) nang masinsinan at sinabi ko sa kanya na, ‘Sorry, medyo apolitical ako, eh.’ Although, hindi ko naman ididenay na marami akong kaibigan na tumakbo nitong last elections na tinulungan ko, pero as much as possible, ayoko talagang tahakin yung political side ni Mayor Halili.

“Prinamis naman sa akin ni Direk Ceasar na hindi gagamitin para sa pulitika yung pelikula. Regalo daw niya ito sa yumaong mayor dahil naniniwala siya sa prinsipyo nito,” paliwanag ng aktor.