“John Regala, gusto nang lumabas ng ospital”

thumbnail

Kahit mas mabuting manatili siya sa ospital, kagustuhan ng aktor na wag nang mamalagi pa sa NKTI.

Lalabas na ng hospital ngayong Miyerkules, August 12,  ang beteranong character actor na si John Regala pagkatapos niyang ma-confine ng ilang araw sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Isinugod sa NKTI si John noong Martes, August 4, dahil nahirapan itong tumayo at maglakad na epekto ng pagkakaron niya ng liver cirrhosis. Kinailangan din siyang obserbahan ng mga doctor para mabigyang ng proper medication.

Ayon sa talent manager at veteran entertainment columnist na si Aster Amoyo, si John ang may gusto na lumabas na ng  ospital. Pero kung sila raw ang masusunod ay gusto muna nilang manatili ang aktor sa NKTI.

“If we are to be followed, we wanted actor John Regala to stay in the hospital for a few more days but he insisted in checking out tomorrow (August 12) and we have no choice but to give in to his request to go home,” medyo dismayado nitong pahayag.

Aminado rin si Tita Aster na hindi naging cooperative sa kanila ang aktor.

“We have to admit that John is not a cooperative patient and we can only do so much.  Praying that we are still able to continue helping him but we also have our own limitations,” lahad pa niya.

Sa huling post ni Tita Aster tungkol kay John ay nag-react ang isang netizen na tila naiintindihan ang desisyon ng aktor.

“Mahirap talaga po pag ganyan. It is beyond the control na po kasi pag mga dumanas ng stroke ang brain ay apektado talaga at mahirap pigilan ang desisyon ng may-ari ng kanyang katawan. Sana ay kaya na niya talaga,” wika pa niya.

Isang kaibigang writer naman ang nagkomento ng,  “Hayaan mo na siya. You have done your part. But if he gets a relapse and gets worse tumigil ka na. You can only do so much. Kung matigas ang ulo, kesehoda.”

Back To Top