HomeTopNews Philippines

“Julia Barretto, may update tungkol sa pelikulang ‘Block Z’”

‘As in malapit na, parang bagong taon,’ matipid at excited na sagot ni Julia Barretto tungkol sa inaabangang zombie movie na ‘Block Z.’

Matipid at excited na nagbigay ng update si Julia Barretto tungkol sa kaniyang inaabangang pelikula na Block Z. Sa interview ng PUSH, nagbigay ng pahapyaw si Julia kung kailan ipapalabas ang naturang pelikula.

“We’re showing na, as in malapit na, parang bagong taon,” pahayag ng aktres.

“Pero kasi ang tagal talaga ng pagtapos ng editing kasi siyempre it’s an action film tapos zombies pa, and sa ibang bansa pa inedit,” dagdag ni Julia.

Maalalang ibinahagi ng direktor na si Mikhail Red na naging matagal ang paglalabas ng Block Z dahil sa proseso ng editing sa Thailand.

READ: EXCLUSIVE: ‘Block Z’ director Mikhail Red gives update on the release of his much-anticipated zombie movie

Kasama sa pelikulang Block Z, sina Joshua Garcia, McCoy De Leon, Yves Flores, at Maris Racal.

[embedded content]

Bukod sa Block Z, aabangan din si Julia sa bagong iWant digital movie, kung saan makakasama niya si Tony Labrusca.

“We were shooting almost everyday. Ang ganda ganda niya it’s a brand new concept and grabe lang, nakakaloka. Minsan yung character ko dun naloloka na rin ako e. I play two people e, or could be three,” kuwento ni Julia.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com