“Karla Estrada, proud nanay sa tagumpay ng ‘Apollo’ concert ni Daniel Padilla”

thumbnail

Todo suporta si Karla Estrada sa naging matagumpay na digital concert ng mga anak na sina Daniel Padilla at Jose Carlito nitong weekend.

Proud nanay para sa kaniyang mga anak ang tema ng social media post ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada.

Kasunod ito ng successful at first ever digital concert ni Daniel Padilla na Apollo nitong Linggo kung saan special guest ang kapatid nito na si Jose Carlito.

“Congrats mga anak! TAGUMPAY ang misyon ng pag papasaya!” caption ni Karla sa post na may hashtag na “Proud Nanay”.

Team bahay man ang karamihan ngayon, damang dama pa rin ang suporta ng mga tagahanga ng aktor kasama na rito ang solid fans nila ng on and off screen tandem nila ni Kathryn Bernardo.

Speaking of Kathryn, present rin sa concert venue ni Daniel ang kaniyang girlfriend na todo ang suporta para sa kaniya.

Sa isang IG story ni Kathryn, makikita ang sweet na sweet na caption nito na “Crush Ko” na tinutukoy ang kaniyang nobyo.

Photo courtesy @bernardokath Instagram

Matapos ang concert, isang digital series naman ngayon ang tinatapos ni Daniel kasama rin si Kathryn. Ang The House Arrest of Us ay malapit-lapit nang mapapanood sa KTX.ph at iWant TFC simula ngayong October 24.

Back To Top