HomeTopNews Philippines

“Kris Aquino answers Nicko Falcis allegations saying she owes him 9 million pesos”

Ini-reveal din ng legal team ni Kris na may mga pag-uusap para iatras na nila ang kaso kay Falcis. “Ang gusto nila bago makipag-usap, i-drop na muna all the cases.”

Sinagot ng mga abogado ni Kris Aquino ang inilabas sa social media ni Nicko Falsis na walang basehan, malisyoso at gusto lamang siraan ni Kris ang kanyang pagkatao at reputasyon kaya siya sinampahan nito ng kung anu-anong kaso.

Tumatayong abagodo ni Kris si Atty. Sig Fortun, Atty. Nilo Divina (Dean of UST Law Office) and his legal team sa Divina Law Office. Present sila sa presscon na ipinatawag ni Kris nung Sabado ng gabi sa kanyang bahay sa Quezon City.

Unang dinepensahan ni Atty. Fortun ang tungkol sa diumano’y alegasyon ni Mr. Falcis na may utang pa sa kanya si Kris na bahagi ng komisyong pinagtrabahuhan niya sa KCAP.

Paliwanag ng abogado, “Noon pa lang dapat umpisa sinabi na niya yan. Nung una naming nakausap ang kanyang abogado at ang kanyang kapatid na babae, do’n na sana ay sinabi na kaagad nila, ‘Uy, si Ms. Kris Aquino may utang sa kapatid ko na P9M.

“As early as that time, kung talagang meron siyang claim na ganun, dapat yung kapatid at abogado niya mismo ang nagsabi sana noon. Wala pa namang kaso nung panahon na yon – Sept. 27.

“At walang nag-pressure sa kanila na hindi magsalita. Sa halip ang ginawa nila, yon yung tinatawag ng mga abogado na ‘delaying tactics.’”

Dagdag pa niya, “Ninety days ang kanyang nakuha at nung napagsarhan na siya, kasi lahat ng imbestigasyon ng kaso ay sarado na, all of a sudden lumabas na siya from his hibernation, from his being in hiding.

“Dapat ay inihain na niya (Nicko) noon pa kung totoong wala siyang kasalanan.”

Sa isyu naman na diumano’y pinagbantaan siya ni Kris na papatayin, nagbigay din ng paliwanag ang kanyang legal team.

“Kung meron threat sa ‘yo ang gagawin mo lang ay mag-i-execute ka ng affidavit, sasabihin mo kung sino yung nananakot sa ‘yo at ipa-blotter mo. Dalhin mo lang sa closest police station,” sabi pa ni Atty. Fortun.

Patuloy pa ng kanyang legal team, “Kung ikaw ay naniniwala na meron ka talagang katibayan at kaya mong depensahan itong mga sumbong laban sa ‘yo, eh, napakadali naman sigurong sumagot, di ba?

“Pero kung ika’y nagtatago sa Thailand at may dahilan ka kung bakit nagtatago, at ayaw mong sumagot at ang ginagawa mo lamang ayon sa yong abogado ay gumawa lamang ng dahilan para hindi ka makadating at ngayong napagsarahan na sila ng investigation, nilalabas nila  hindi sa husgado at sa prosecutor’s office kung hindi sa social media.”

Ayon naman kay Kris, handa na niyang kalimutan ang nangyari lalo pa nga’t kinausap na siya ng kanyang mga kapatid.

“My sisters talk to me over and over again. They said, ‘You can earn that money back Krissy. Please release the anger because what we want is for our sister to be healthy. That’s all we want.’

“And ang sinabi nila sa akin is that,  ‘He did something good in your life, kung meron man kayong hindi napagkasunduan, kung good fate ang pinapakita, then let’s just settle this because we want our sister alive.’

“And nagamit yung magic word, eh. Nasabihan ako na, ‘Can you please just think of Josh and Bimb.’ Matigas ang ulo ko pero nakikinig ako basta para sa mga ana ko,” sambit ni Kris.
      
Idinagdag din ni Kris na nung nagbakasyon sila ng mga anak sa Japan ay handa na siyang ibigay ang kapatawaran kay Nicko.

Aniya, “Sa umpisa galit ako talaga. Pero… kasi I promise, there’s this church I really love in Japan at iniwan ko do’n talaga lahat,  I promised talaga.

“Sabi ko, nung nagdasal ako talaga, I  said do’n sa mass na, I just want to be alive until my son turns 18 and I forgive. I can move on and all the lies that they spread about me, kaya kong burahin. All I ask for, please God, ibigay mo lang sa akin talaga na abutan kong 18 years old (si Bimby).”

Ini-reveal din ng legal team ni Kris na may mga pag-uusap para iatras na nila ang kaso kay Falcis.

“Ang gusto nila bago makipag-usap, i-drop na muna all the cases.

“Never na kami ang nakikiusap. Sa lahat ng  pakikipagmiting namin sila yung  nakikipag-areglo. In fact, sila yung nag-o-offer na ibabalik yung mga nakuha, humihingi pa nga ng panahon, amortization, huhulugan. Ibang-iba yung nilalabas nila sa media na inosente sila sa totoong ginagawa nila kapag kaharap kami na nakikipag-areglo.”

Halata rin daw na malisyo ang timing ni Mr. Falcis sa paglalabas sa social media ng “side of his story.”

“Mukha ring tina-timingan nila ang lahat ng labas ng ito para magka-stress si Kris, dahil alam nila na may sakit, at yung timing ay talagang malisyoso dahil kritikal ngayon si Kris,” pahayag pa ng kanyang abogado.