HomeTopNews Philippines

“Lani Mercado, ibinahagi ang ilang detalye ng kasal ng anak na si Jolo Revilla”

Lani Mercado, ikinuwento kung paano nagpaalam ang anak na si Jolo na magpapakasal na ito.

Ikakasal na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa kasintahan nitong beauty queen na si Angelica Alita sa December 15, 2019. Gaganapin ang kasalan sa Pelican Hill sa California, USA.

Ayon sa kuwento ng ina ni Jolo na si Bacoor Mayor Lani Mercado, aalis sila ng Piipinas sa December 6 kasama ang kanyang buong pamilya para saksihan ang wedding ng anak.

“It’s a Christian wedding. This will be the first male na may ikakasal akong anak kasi yung una was si Inah na may tatlong apo na ako. Well, this is something different kasi sa labas ng bansa. Napaka-hectic and this the first time also na magbabakasyon kami nang buo with Bong’s brothers and sisters. It’s the first time na buong pamilya nandoon kami,” balita ni Lani sa PUSH.

Desisyon din daw nina Jolo at Angelica na sa Amerika sila magpakasal.

Aniya, “Sila ang nag-decide. Parang idol talaga ni Jolo si papa niya, kasi di ba, ang unang kasal namin was in the States, pero that was very solemn, very simple. Ito, he opted to do in the States.

“Jolo is I think 31, he’s of age and I do believe na ano na ito, tamang panahon ito para sa kanya.”

Kelan ba nagpaalam si Jolo sa kanila ni Sen. Bong Revilla na he’s getting married na?

“Alam na namin na ikakasal na siya. Nagpaalam siya, I think nagpahiwatig siya na ikakasal na siya nung nag-propose siya at na-announce niya during his birthday.

“A month before his birthday, sinabihan niya na kami. Sabi ko, ‘Sigurado ka na ba?’ Siyempre, alam naman natin yung kanyang love life, open book naman yon. Basta masaya siya. Basta sinabi namin, ‘Sigurado ka na ba?’

“Alam mo naman ang pagpapakasal, hindi naman yan na pag napaso ka iluluwa na parang mainit na kanin. It will be forever and I hope… he went naman through the right process of getting married,” lahad ni Lani.

Hindi na rin daw nila kinailangang mamanhikan pa sa pamilya ni Angelica na taga-Oriental Mindoro dahil nasa Maynila naman ang mga kapatid nito.

“The family is fromO riental Mindoro, actually, hindi pa kami nagpupunta doon, ang mga kapatid kasi nandito sa Manila. Nagkikita-kita na lang kami,” sey pa niya.

Nagbahagi rin si Lani ng ilan sa mga magiging ninong at ninang sa kasal nina Jolo at Angelica.

 “We fixed the guest lists yesterday, ang alam kong pupunta ay sina Mayor Inday Sara (Duterte), Cong. Martin Romualdez, ninong si Sen. Jinggoy (Estrada), ninong din niya si Sen. Manny Pacquiao pero may proxy siya na pupunta.

“Walang artista, eh, majority pulitiko. Alam mo naman si Jolo, eh, he’s very active sa public service life niya. Wala po siyang ninang from channel 7 and channel 2 or from the (showbiz) industry,” pahayag ni Lani.

Ano ba ang qualities na nagustuhan niya sa future daughter-in-law?

“Siguro, sa pagkakakilala ko kay Angel, masasabi ko, kahit siya ay beauty queen ay simple siyang tao. She’s very supportive of Jolo. Nakikita ko at peace si Jolo with her. Basta ang alam ko very supportive partner siya.

“Kasi if she opted to be a career woman, malamang hindi niya pakakasalan si Jolo this year at she vied for Binibining Pilipinas kasi she was being groomed to be… to follow the footsteps of Catriona (Gray), kasi nasa team Catriona siya, eh. Pero mas pinili niya ang pag-ibig. Mabait na bata naman siya,” papuri niya sa mapapangasawa ng anak.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com