HomeTopNews Philippines

“‘Latin flair with an Asian twist’: Netizens react on upcoming crime-thriller teleserye Mea Culpa”

Netizens are excited with the Kapamilya network’s latest series Mea Culpa which stars Jodi Sta. Maria and Bela Padilla.

Kaabang-abang ang bagong crime-thriller serye ng ABS-CBN na Mea Culpa na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla. Isa ito sa mga shows na ipinakita sa katatapos lang na Christmas Trade Launch noong November 27.

Sa trailer ng TV series, ipinakita si Jodi na galit na galit sa ilang college students na kinabibilangan nina Bela,Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ketchup Eusebio, and Ivana Alawi dahil sa pagkuha sa kanyang anak nang dahil sa isang aksidente. 

Puno naman ng excitement ang mga netizens sa paparating na Kapamilya drama at sinabing parang American series na How To Get Away with Murder at 1997 mystery film na I Know What You Did Last Summer ang dating ng Mea Culpa. 

Papuri din ang ibinigay ng netizens sa ABS-CBN at Dreamscape Unit sa paggawa ng isang quality serye. 

Wala pang official airing date ang Mea Culpa na tiyak ay aabangan ng mga manonood sa ABS-CBN Primetime Bida.  

[embedded content]

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com