“Legacy ni German Moreno sa pagdiskubre ng talents itutuloy ng anak at ni Mayor Isko Moreno via Supershow App”

thumbnail

Ang konsepto ng Supershow App ay nabuo noong 2019 ni Federico Moreno, anak ni German Moreno (a.k.a Kuya Germs) na kilala sa pagtuklas ng mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz na karamihan ay nagsimula sa programang That’s Entertainment.

Ang konsepto ng Supershow App ay nabuo noong 2019 ni Federico Moreno, anak ni German Moreno (a.k.a Kuya Germs) na kilala  sa pagtuklas ng mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz na karamihan ay nagsimula sa programang That’s Entertainment.

Nabuo raw ang idea nang minsang tanungin si Federico ng isang kaibigan kung may kilala siyang wedding singer. Nagtaka raw siya nang walang maibigay na talent batay sa demand ng availability at budget.

Dito niya naisip na kailangang magkaroon ng sistema para sa paghahanap ng mga talent sa events. Mapapakinabangan din daw niya ang kanyang mga nalalaman dahil siya ay namulat sa entertainment industry.

Sinimulan ng nakababatang Moreno ang kanyang pananaliksik kung anu-ano ang mga in demand na talent sa iba’t ibang sectors. Ilan sa mga ito ang mga clowns at magicians sa children’s party, commercial models, event host, singer, at banda.

Naniniwala si Federico Moreno na sa pamamagitan ng Supershow App ay mapapadali ang paghahanap at pag-book ng mga talent na kailangan ng kaliwat-kanang events. Sa isang click mo, mahahanap mo na agad ang mga talento.

Sinabi rin ng anak ng veteran actor/host na ang app ay isang paraan para maipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang yumaong ama na tumulong sa mga papausbong na talento.

Kasama ni Federico sa Supershow App venture ang kanyang mentor na si Jose “Jomag” Magsaysay Jr., na chairman emeritus ng Potato Corner. Sinabi ni Jomag na excited na sila sa mga “gifted individual” na ipamalas ang kanilang galing at iparamdam ang kanilang halaga sa ating lipunan.

Katuwang din nila sa naturang endeavor si Manila Mayor Isko Moreno na parang kapatid ni Federico. Katulad ng ibang mga naging sikat na artista ay nagsimula rin si Isko sa programang That’s Entertainment ni Kuya Germs.

Ani Isko, ito raw ang paraan niya para pasalamatan at bigyan ng pagpupugay si Kuya Germs na tumulong sa kanyang pag-arangkada sa karera ng showbiz. Suportado rin ni Mayor Isko ang paghahanap ng mga bagong talent.

Samantala, prayoridad ng team ni Federico ang mga talents na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Tutulungan din sila na mayakap ang “new normal.”

Bilang paghahanda sa kaarawan ni Kuya Germs sa October 4, naghahanap na ang Supershow App ng mga talent na puwedeng maging bahagi ng kanilang team.

Maaaring ipasa ang 30 seconds to 1-minute na video material sa www.supershow.app.

Handa nang tumanggap ng booking ng mga talent ang Supershow App simula November 25, 2020.

Back To Top