HomeTopNews Philippines

“Liza Soberano, balik bansa matapos ang halos tatlong buwan”

Balik Pilipinas ang aktres na si Liza Soberano matapos ang halos tatlong buwan na pamamalagi sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang finger injury.

Balik Pilipinas ang aktres na si Liza Soberano matapos ang halos tatlong buwan na pamamalagi sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang finger injury.

Sa report ni MJ Felipe, mainit na sinalubong ng kanyang fans ang 21-year-old star sa kanyang pagdating sa bansa umaga nitong Lunes, Hulyo 22. 

Photo credit: pbs.twimg.com

Sa maikling interview, ibinahagi ni Liza na sa payo ng kanyang doktor ay magpapahinga muna siya ng dalawang buwan. Pinagbawalan din siya umano nito sa pag-sali sa sports o kahit anong physical activity.

Nakatakdang magbalik trabaho si Liza itong darating na Septyembre upang simulan ang shooting ng kanyang comeback TV series kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.

Huling napanood ang onscreen pair sa pelikulang Alone/Together.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com