HomeTopNews Philippines

“Lou Yanong at Andrei Brouillette, ibinahagi ang mga bagong discoveries sa kanilang relasyon”

Going strong sa kanilang third monthsary ang  Pinoy Big Brother housemates na sina Lou Yanong at Andre Broullete, na mas minahal ngayon bilang LouDre.

 

Kuwento ni Lou at Andre sa naging panayam ng PUSH sa 2019 Piña Festival, kung saan sila ay special guests, mas nakilala nila ang isa’t-isa bilang couple.

“So quickly, hindi namin namalayan na sobrang dami na pala ng nangyari, which is I think a good thing,” bungad ni Lou.

“Yeah three months down and more to come,” dagdag ni Andre.

Dito, inamin ng LouDre na tulad ng ibang mga couple ay na mayroon  din silang mga hindi pagkakaintindihan.

 
 
 

 
 
 
 
 

 
 

 
 
 

Andrei @andrebrouillette and Lou @louyanong celebrate their third monthsary in Ormoc City, Leyte #AndreiBroullete #louyanong @pbbabscbntv #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on Jun 28, 2019 at 7:31pm PDT

 

“Nagtatampuhan din pala kami (laugh). It’s not a big argument but it’s a cute argument, small things,” sabi ni Lou.

“Sa Philippines kasi ‘di ba , normal ‘yung ‘Gwaps, Ate Ganda’ pag kakausapin mo ang waiter sa restaurant, one time na curious ako kasi mukhang bata ‘yung waiter, tapos pag-alis ng waiter sabi niya (Andre) ‘so you think he’s gwapo? And you ask how old he is’, mga ganun na maliliit na bagay,” masayang kuwento ni Lou.

PUSH Bets Live: LouDre, mas tumibay ang pagsasamahan sa labas ng Bahay ni Kuya

“I trust her, I love her it’s okay, pero I mean it just to joke her,” paliwanag naman ni Andre.

At dahil unti-unti na nilang nakikilala ang isa’t isa at mas marami nang nakapaligid sa kanilang relasyon, naitanong din kung dumarating din ba sa kanilang relasyon ang selosan.

 
 
 

 
 
 
 
 

 
 

 
 
 

2 months down with goofball ? Here’s to the calms ☺️ <3u!

A post shared by lou (@louyanong) on May 27, 2019 at 5:22pm PDT

 

“Mga cute na selos lang, I trust him and I know na he wouldn’t do anything with me, wala ‘yung maliliit na bagay lang din,” paliwanag ni Lou.

Dahil sa kanilang mga showbiz commitments, mas madalas din daw na nag-uupdate si Andre kay Lou.

“One thing I notice about with our relationship is when we’re apart, sometimes they were days we’re not together, I really do message her talaga. I worry about her, we update each other a lot,” sabi pa ni Andre.

READ: Lou Yanong at Andre Brouillette, muling idiniin na hindi ‘scripted’ ang kanilang relasyon

Sa ngayon, naghahanda na ang LouDre tandem sa nalalapit na nilang pagbabalik sa loob ng bahay ni Kuya. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com