HomeTopNews Philippines

“Maja Salvador, planong talikuran ang social media para sa bagong inspirasyon?”

Protective daw ang aktres sa mga taong malapit sa puso niya.

Glowing at Inspirado ngayon ang Kapamilya actress na si Maja Salvador, Ito ay dahil muli silang nagtagpo ng kanyang non-showbiz na inspirasyon para ituloy ang kanilang love story.

?

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on Feb 23, 2019 at 1:29am PST

Matipid man sa pagbibigay detalye, naging matamis naman ang mga ngiti ni Maja habang ikinuwkuwento ang kanilang pagbabalikan.

“Minsan you break your own rules and i think its worth it. Yung reason naman namin hindi matindi hindi naman tulad ng iba na matindi yung reason lang is bata pa ako noon eh so parang hindi nabigyan ng todo chance before” kinikilig na kuwento ni Maja.

Sa pangngungulit pa ng media kay Maja kung official na ba sila ng kanyang inspiration ito ang kanyang naging sagot.

“Magpo-post na lang ako sa IG,” sabi niya.

At para sa aktres, normal din para sa isang tulad niya na isang celebrity na maging protective sa mga taong mahahalaga sa kanya, kaya naman ibinahagi ng Kapamilya star ang kanyang desisyon na pansantalang magpahinga sa social media.

“Nagulat ako pinag-isipan ko i-ooff ko ang comments pero nandoon ako sa hindi ok kang wag na… hindi sa may takot, hindi naman siya showbiz kasi ‘di ba? Ayoko masasaktan ang mga tao na importante sa akin” pahayag pa ni Maja.