HomeTopNews Philippines

“Marco Gumabao, inamin ang naudlot na relasyon kay Janella Salvador”

Hindi man nag-uusap ngayon, nanatili pa din ang mabuting pagkakaibigan ni Marco ay Janella.

Sa red carpet premiere ng pelikulang Just A Stranger ng VIVA Films, inamin ng aktor na si Marco Gumabao na single pa din siya ngayon.

Kasunod ito ng naging tanong ng PUSH kung sinong special someone ang kanyang iimbitahin para manood ng kanyang pelikula.

“Wala I’m single (laughs) kaya kayo kung gusto niyo maging special someone ko come on,” pagbibiro ng aktor.

Dito, hindi naiwasan na balikan ang naudlot na pagmamabutihan sana nila ng Kapamilya star na si Janella Salvador.

Matatandaan na naging usap-usapan noon ang pagdi-date ng dalawa matapos ang naging relasyon ni Janella kay Elmo Magalona.

READ: Marco Gumabao breaks silence on ‘dating rumors’ with Janella Salvador

“We’re friends, Janella and I are friends. Wala ‘yung before everyone thinks na we’re not good but we’re okay. Off cam, you don’t have to show everyone na we’re friends,” ani Marco.

“Basta alam namin sa isa’t isa na we are good, that’s what’s important,” patuloy pa niya.

Ayon pa sa aktor, masasabi niya na mas minabuti nila ni Janella na tigilan noon ang kanilang nagsisimula sanang relasyon para matigil ang intriga.

“Yeah you can say that. Medyo pasimula pa lang naudlot na because of all the bashing and all the pictures going around. So we decided not to,” paliwanag ni Marco.

“We don’t talk to each other regularly, but if I see her, if I bump into her yeah of course,” dagdag pa niya.

At bilang kaibigan din, masaya din daw ang actor na inspirado ngayon ang kaibigan.

Kasunod ito ng napabalitang pagmamabutihan nina Janella at Marcus Patterson.

READ: Fans are speculating that Janella Salvador and Markus Paterson are dating

“It’s all good. Ako naman if she’s happy with whoever she is with, and I’m happy for her ‘di ba?”

[embedded content]

Sa ngayon, abala si Marco sa promotion ng Just A Stranger at isa pang bagong pekikula kasama si Lovie Poe at Tony Labrusca. Mapapanood din siya sa teleserye na Los Bastardos sa ABS-CBN.