HomeTopNews Philippines

“Marian Rivera at dating manager Popoy Caritativo nagkabati na”

Matagal ding hindi nagkibuan sina Marian Rivera at ang dati niyang manager/discoverer na si Popoy Caritativo. Ang paglipat ni Marian noon ng ibang manager ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sa huling post ni Popoy sa kanyang Instagram account kamakailan lang ay kasama niya si Marian hudyat na talagang nagkaayos na nga ang dalawa.

Sa pagre-renew ng contract ni Marian sa Beautederm Home with the CEO and president of the company na si Rhea Tan ay pahapyaw siyang nagkuwento tungkol sa kanilang pagbabati ni Popoy.

“Ang saya di ba? Well, siguro tama yung sinabi niya sa Instagram na meron talagang pagkakataon na kailangan mo talagang ipagpaliban na panahon para mag-heal ang mga sugat na nasaktan.

“Hindi ko naii-elaborate si Popoy kasi siyempre hindi naman ako nakipagbati para alam mo yon… Basta mahal ko siya mula noon hanggang ngayon at kung nasaan man ako ngayon at utang na loob ko yon sa kanya. At ang utang na loob na ito ay tatanawin ko hanggang nabubuhay ako,” pahayag niya.

Ikinukuwento rin daw niya sa mga anak niya kung ano angnaging bahagi sa kanya ng dating manager.

“Actually, kahit kay Zia sinabi ko sa kanya, ‘Punta tayo kay momsy, alam mo ba kung sino si momsy? Si momsy ay ganit osa buhay ko.’ So very vocal ako sa mga anak ko kung ano yung nagawa ni Popoy sa buhay ko at ipinagpapasalamat ko yon sa buong buhay ko,” lahad pa niya.

Lumabas din ang balitang nagkaayos na sila ni Lovi Poe na diumano’y nakasamaan din niya ng loob.

“Wala namang away nanaganap sa amin ni Lovi. Wala kaming away ni Lovi. Nagkita kami, wala kaming usap, nagyakapan kami na napakasarap sa pakiramdam,” paglilinaw niya.

“Alam mo habang tumatanda ka, mas gugustuhin mo yung mas masarap na buhay, na araw-araw tuwing may makakasalubong ka lahat nakangiti sa ‘yo, di ba? Ang sarap ng ganun, eh, na wala kang iniiwasang tao, masaya ka, di ba? Mas masarap na walang kaaway, lahat kabati mo,” katwiran pa niya.

Patuloy ni Marian, “Tsaka ang tanda ko na, dalawa na yung anak ko, so gusto kong makita ng mga anak ko na masarap mabuhay ng walang kagalit, masarap mabuhay na buong pagmamahal ang ibibigay mo, di ba?

“What for, ba’t pa ako magiging… di ba? Diyos ko ang bait ni Lord, binigay ng lahat, ano pa ba?” giit pa niya.

Ibinahagi din ng aktres ang ginagawa niya ngayon para suportahan ang local brands. Ibinenta na rin daw niya ang mga branded niyang gamit.

Aniya, “Wala na siya, binenta ko at binili ko ng mga katutubong gamit. Namulat ang mata ko nung inendorso ko ang Kultura at nakita ko kung gaano kaganda at ang galing ng Pinoy sa paggawa talaga ng iba’t ibang klaseng produkto.

“Siguro dumarating talaga sa pagkakataon na ang tao nahihilig sa ganun at kapag may konti kang pambili nabubulag ka sa mga ganung pagkakataon. Iniisip ko sa sarili ko na bakit hindi ako magsuot ng isang bagay na alam kong makakatulong ako sa ikauunlad ng  Pilipinas kahit sa maliit kong pamamaraan.

“Siguro ang pagsusuot ko ng local way na rin yon of showing na sinusuportahan ko sila. Pati mga anak ko local na rin (ang sinusuot),” pagtatapat pa niya.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com