HomeTopNews Philippines

“Maris Racal, bibida bilang batang Nora Aunor”

Kabilang si Maris Racal sa cast ng pelikulang Isa Pang Bahaghari na ipinagbibidahan nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Kabilang si Maris Racal sa cast ng pelikulang Isa Pang Bahaghari na ipinagbibidahan nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Sa Instagram, galak na ibinahagi ng aktres na gaganap siya bilang batang Nora sa proyektong idi-direk ni Joel Lamangan, na siya rin direktor ng award-winning film na Rainbow’s Sunset. 

“It’s such an honor to be working with THE Joel Lamangan. Thank you so much for this opportunity! and another thing to look forward to – playing the role of young NORA AUNOR,” aniya.

Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans sa Isa Pang Bahaghari dahil magsisilbi itong reunion film nina Nora at Phillip, na huling nagkasama sa pelikula noon pang 1985.

Bago si Phillip ay na-consider din sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III bilang leading men ni Nora.

Inaasahang maipalabas ang nasabing pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival itong Disyembre.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com