“Matt Evans, muling inaresto dahil sa kasong pisikal na pang-aabuso”

thumbnail

Inaresto si Matt Evans nitong Biyernes ng umaga sa bahay niya sa Sampaloc, Maynila.

Inaresto ang aktor na si Matt Evans sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes, Hulyo 31, matapos muling sampahan ng kasong may kaugnayan sa pisikal na pang-aabuso. 

Batay sa ulat ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), inaresto si Matt bandang 11:30 ng umaga sa kanyang bahay na matatagpuan sa Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila nitong nakaraang Biyernes lamang.

Ito ay matapos isyuhan ng warrant of arrest ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12 dahil sa paglabag umano ng aktor sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. 

Matatandaang unang inihain ang nasabing kaso sa kanya ng dating live-in partner na si Johnelline Hickins taong 2012 ngunit agad din itong nakalaya matapos mag-piyansa ng dalawang-daang piso lamang. 

Nauwi umano sa pisikalan ang away nila noon at nahulog pa umano si Johnelline sa hagdan. Ayon naman sa kapatid ng dating partner nito na si Juan Alberto Carlotta na nagsilbi ding witness sa nasabing kaso, tinutukan pa umano ni Matt ng kutsilyo si Johnelline.

Read:Matt Evans involved in a domestic spat with girlfriend

Samantala, inirerekomenda naman kay Matt ang pagbabayad ng Php36,000 upang pansamantala itong makalaya sa bagong kasong kanyang kinakaharap. 

Nitong Disyembre 2019, matatandaang sinampahan naman ng kasong estafa ang asawa ni Matt na si Riza Katrina Evans dahil umano sa scam. 

Read:Asawa ni Matt Evans, arestado sa kasong estafa 

Una namang nakilala si Matt taong 2012 nang sumali siya sa kauna-unahang edisyon ng Pinoy Big Brother: Teen Edition. 

Mas nakilala naman ito bilang aktor nang bumida sa seryeng Da Adventures of Pedro Penduko.

Taong 2017 nang magdesisyun si Matt na lumipat sa kabilang network. Taong 2019 naman nang magbalik-loob si Matt sa Kapamilya network at maging parte ng seryeng The Killer Bride.

Back To Top