“Maymay Entrata, tuloy sa pag-explore ng proyekto na wala si Edward Barber”

thumbnail

Kamakailan lang, napagkasunduan ng MayWard tandem na manatiling magkaibigan sa gitna ng pakiusap ng kanilang fans sa kanilang mag-level up ng relasyon.

Isa ang Kapamilya star na si Maymay Entrata sa mga kasama sa bagong digital project ng Star Cinema na The Four Bad Boys and Me.

Bago rin ito para sa fans ng tambalan ng MayWard lalo pa at muling gagawa si Maymay ng proyekto ng hindi bahagi ang kaniyang leading man na si Edward Barber.

Pero, ayon kay Maymay, hindi na ito bago sa kanila ni Edward na minsan na rin naging bahagi ng iba’t ibang mga proyekto ng ABS-CBN.

“Okay lang naman po na may solo projects kami ni Edward (Barber) kasi meron rin naman si Edward tapos nagkakasama rin naman po kami sa iWant ASAP and may upcoming project din po kami,” paliwanag ng Kapamilya star.

Aniya, importante rin para sa kanila ni Edward na mag-grow bilang mga solo artists.

READ: Maymay Entrata at Edward Barber may pakiusap sa fans ng kanilang love team

“Bilang isang Maymay, pag mag-isa lang ako, importante din sa love team na nag-go-grow kayo individual. So kahit last year pa, may mga proyekto na kami ng solo, like ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye’ ko tapos si Edward sa ‘First Love’ with Sir Aga (Muhlach) so ‘yun po.”

Patuloy pa ni Maymay: “Hindi naman mahirap, bale ang importante doon, ine-enjoy namin at ginagawa pa rin namin ang best namin kahit solo naming project.”

Magkahiwalay man daw sila sa mga proyekto, tuloy parin ang suportahan nina Maymay at Edward sa isa’t isa.

“Suportahan sa isa’t isa, kasi ganito, every time na may solo project ako at meron din siya, minsan nagkakataon, magakasabay kaya minsan sabay pa din kami mag workshop, minsan mag-acting workshop pa rin kami, nagpapalitan pa din kami ng ideas sa characters na ginagawa namin ganyan, tulong tulong pa rin naman po,” ani Maymay.

At sa kahit napapaligiran ng mga leading man sa bagong digital project ng Star Cinema na The Four Bad Boys and Me, sinigurado ni Maymay na iba ang mga mabibighani sa kaniyang karakter na gagampanan na bago sa kaniyang nakagawiang mga proyekto.

“Baka ‘yung mga viewers ang main love sa akin, tsaka si Direk (laugh) kasi narrator ako dito at gusto ko ‘yung ginagawa ko, and gusto ko din na parang nakaka-rinig lang sa akin is si Candice (Kaori) kasi ako ‘yung panira sa desisiyon niya kasi may pagkamatigas ‘yung puso ni Kaori dito, so ako ‘yung tutulong sa kaniya para palambutin ang puso niya, sa viewers and sa listeners, ako rin ‘yung tutulong sa kanila para mas lalo nila maintindihan ang story,” pahayag ni Maymay.

Mapapanood ang The Four Bad Boys and Me sa darating na August 27 sa YouTube channel at Facebook page ng Star Cinema at mapapakinggan rin soon sa Spotify sa direksyon ni Joel Ferrer.

Back To Top