Michael Pangilinan on Erin Ocampo: ‘Wala na kaming kahit anong samaan ng loob o whatever’

052017-MichaelPangilinan_PUSH.jpg

Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni Michael Pangilinan na maayos na ang relasyon nila ni Erin Ocampo, ang ina ng kanyang anak. Kung kaya mas madalas na niyang nadadalaw ang anak niya. “Wala na kaming kahit anong samaan ng loob o whatever basta masaya kami. Masaya siya. Masaya ako. Masaya yung baby namin.” 

Binahagi din niya kung bakit diumano pinaiyak niya ang kanyang girlfriend na si Garie Concepcion. “Sinabi ko hindi ako pupunta sa show niya, hindi ako nagpaparamdam… tapos ayun biglang siguro mga 3\4 na ng show, bigla akong dumating.”

Pero paglilinaw niya, “hindi naman siya umiyak, OA lang niyan.”

You may also like...

Facebook Auto Publish Powered By : XYZScripts.com