HomeTopNews Philippines

“Miles Ocampo, binasted nga ba si McCoy De Leon?”

‘Simula pa lang nagsabi na ako sa kaniya kung anong desisyon ko,’ nilinaw ni Miles Ocampo na nananatili pa rin silang makaibigan ni McCoy De Leon.

Hindi itinanggi ni Miles Ocampo ang tangkang panliligaw sa kaniya ni McCoy De Leon. Ayon sa Write About Love actress, hindi niya masasabing ‘binasted’ niya ang aktor, dahil tuloy pa rin ang pagkakaibigan nila.

“Simula pa lang kasi nagsabi na ako sa kaniya kung anong desisyon ko.”

“Hindi naman po basted na agad, kasi okay naman po kami na friends. Kasi kung babastedin mo, puputulin mo yung friendship niyo di ba?” paliwanag niya sa naganap na media conference nitong Lunes, December 2.

Maaalalang nag-umpisa ang pag-uugnay ng dalawa matapos ang interview ni McCoy sa Tonight With Boy Abunda noong September. Dito inamin ni McCoy na hiniling niya na sana ay si Miles na ang sunod niyang maging girlfriend.

READ: McCoy De Leon on Miles Ocampo: ‘Masaya po kami kung ano pong status po namin’

Sa edad na 22, masaya si Miles sa estado niya ngayon bilang No Boyfriend Since Birth o NBSB.

“Hindi. Hindi ko po alam bakit big deal ‘yun sa ibang tao. Pero for me kasi as of the moment, na-e-enjoy ko po sarili ko. Mahilig po akong mag me-time talaga, yung kakain ako mag-isa,” paliwanag ni Miles na sinabing hindi naman siya pinaghihigpitan ng mga magulang pagdating sa love life.

Pabirong sinagot ni Miles ang isang reaksyon sa press na nagsabing ‘baka iniisip niyang maging tomboy.’

“Alam niyo bakit gano’n ang mga tao no? Kapag walang jowa, tomboy. Kalerki,” sagot ni Miles.

READ: Miles Ocampo ecstatic as she snags first leading role after 15 years

Bida si Miles Ocampo sa bagong pelikula na Write About Love, na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019. Kasama niyang gaganap sina Rocco Nacino, Yeng Constantino, at Joem Bascon

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com