HomeTopNews Philippines

“Miss Earth 2018 is Phuong Khanh Nguyen of Vietnam”

First Vietnamese beauty si Phuong Khanh Nguyen na nakapag-uwi ng korona ng Miss Earth.

Wagi sa Miss Earth beauty pageant ang Vietnamese beauty na si Phuong Khanh Nguyen sa katatapos lang na coronation night nitong Sabado ng gabi, November 3.

Si Phuong Khanh Nguyen ang unang Vietnamese candidate na nakasungkit ng korona sa Miss Earth beauty pageant.

Bukod kay Phuong Khanh Nguyen kinoronahan din sina Melissa Flores ng Mexico bilang Miss Earth Fire, Valeria Ayos ng Colombia bilang Miss Earth Water, at Miss Earth Air si Melanie Mader ng Austria.

Nagtapos naman sa Top 8 ang kinatawan ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.