HomeTopNews Philippines

“Miss Universe 2019 sa USA na gagawin?”

Sa December 8 na umano magaganap ang Miss Universe 2019.

Maugong ngayon ang usap usapan ng pageant fans sa kumakalat na balita tungkol sa host country at petsa ng coronation night ng 68th Miss Universe pageant.

Kasunod ito ng mga naging social media post ng National Director ng Miss Universe Denmark tungkol sa petsa ng inaabangan na Miss Universe pageant.

“BREAKING NEWS!!! MISS UNIVERSE 2019 – DECEMBER 8TH – USA It has just been confirmed that the Miss Universe 2019 Grand Final will be held on December 8th 2019 in the USA. The host city has not been revealed yet,” bahagi ng post ni Miss Universe Denmark.

Matatandaan na ilan sa pinagpilian na bansa ay ang South Korea, Dubai, Qatar at maging ang Pilipinas, na posibleng maging host country ng Miss Universe 2019.

READ: Manila to host Miss Universe 2019?

Si Gazini Ganados ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na umaasa na masungkit ang back to back success sa Miss Universe mula sa reigning queen na si Catriona Gray.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com