HomeTopNews Philippines

“Mr. Gay World 2019 Janjep Carlos, ikinuwento ang naging laban sa South Africa”

Planong ipagpatuloy ni Janjep Carlos ang kanyang adbokasiya sa pagtulong sa LGBT community.

Todo ngiti si 2019 Mister Gay World 2019 Janjep Carlos sa kanyang pagbabalik Pilipinas mula sa South Africa nitong Lunes ng gabi, May 6.

Si Janjep ang pangalawang Pilipino candidate na nakakuha ng titulo bilang Mr. Gay World na unang nakuha noong 2016 ni John Raspado.

READ: Pilipinas, wagi sa Mr. Gay World 2019

Kuwento ni Janjep, hindi naging madali ang kanyang pageant journey.

“Sa contest proper po, masasabi ko na naging mahirap ang laban kasi lahat ng finalist palaban lahat sila at talagang naghanda sila,” sabi ni Janjep.

22 ang mga naging kandidato mula sa iba’t ibang bansa para sungkitin ang titulo pero ang potentials ni Janjep ang naging consistent mula day one hanggang coronation.

“Siguro po sa one week na nandoon kami, nakita talaga nila kung sino ang pursigido na candidate at ako nga po yun.” proud niyang sinabi.

At ngayong sisimulan na ni Janjep ang kanyang reign, pagtutuunan niya ng pansin ang mental health at ilang LGBT issues sa Pilipinas na isa sa kanyang naging adbokasiya.