HomeTopNews Philippines

“Nadine Lustre, bagong adbokasiya ang pangangalaga ng karagatan”

Nadine Lustre wants to raise awareness about taking care of the oceans.

Isinusulong ngayon ni Nadine Lustre ang pangangalaga ng mga karagatan at mabawasan ang plastic pollution kung kaya naging kaisa na siya ng international environmental group na Greenpeace.

Nitong nakaraang linggo ay inikot ng aktres ang Rainbow Warrior vessel nanakadaong sa Maynila.

Sa panayam ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe, sinabi ni Nadine na, “I think my biggest contribution is awareness, I know I have a lot of followers and a lot of people check my Instagram, my social media, so I can help spread awareness.

“I was upset kasi nasa bangka kami, ang dami kong nakikitang trash na nagfo-float lang sa water so I was so upset kasi di ko siya kayang pulutin,” dagdag pa niya.

Hihikayatin din niya di umano ang kasintahang si James Reid sa kanyang bagong adbokasiya upang marami ring kabataang tumulad sa kanila.

Pinuri ding ng The General’s Daughter star na si Angel Locsin si Nadine. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com