HomeTopNews Philippines

“Original Sexbomb Girls, may sagot sa mga nagsasabing ‘malaswa’ ang pagsasayaw nila”

Mia Pangyarhian, Che-che Tolentino, at Sandy Tolentino inaming minsan na silang sinabihan na ‘malaswang sumayaw,’ at hindi magandang ehemplo sa mga bata.

Sa episode ng PUSH Bets Live, naging totoo sa pagsagot sa mga tanong ang mga original Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarhian, Che-che Tolentino, at Sandy Tolentino. Inamin ng tatlo na minsan na silang sinabihan na ‘malaswang sumayaw,’ at hindi magandang ehemplo sa mga bata. 

READ: SexBomb Che-Che nagkaroon ng “something” noon kay Coco Martin

“Nung time na ‘yon, yung sinabi nila (na malaswa kami), talagang nagbalot kami. Para lang mapakita sa mga bata na hindi kami ganun,” kwento ni Sandy noong inalala ang minsang umabot sa Senado ang reklamong ginagaya ng mga bata ang pananamit at pagsasayaw nila sa isang noontime show.

Depensa ni Mia, maraming tao ang hindi nakaka-alam na maraming genre ang kaya nilang sayawin, tulad ng jazz, hip hop, ballroom at iba pa. “Tsaka kasi, ang nakikita nila sa amin before kung paano kami sumasayaw (sa TV). So yung mga shows namin outside, yung mga corporate shows, pati yung mga training namin ng jazz, Latin dance, hindi nila alam,” paliwanag ni Mia.

Sa pahayag naman ni Che-che tinuring niyang isang ‘sining’ ang pagsasayaw nila at hindi lang malaswa. “Though may mga nagsasabi po ng mga ganun, pero marami ring mas nakakakilala na yung talento talaga namin yung kine-cater namin. Yung maipakita namin sa kanila na hindi malaswa ito, ito ay isang art,” aniya. 

READ EXCLUSIVE: Sexbomb Newgen manager Jara Cancio promotes body positivity to her dancers 

Sa parehong episode din ay masayang inamin ng tatlong original Sexbomb members na na-experience na nilang maligawan ng celebrity, at maging magkaroon ng stalker.

Samantala, ikinuwento rin nina Mia at Sandy na minsan na din silang nag-away away noon. “Siyempre before kasi bata (pa lang kami) kaya parang hindi pa namin maintindihan noon,” ani Sandy.

“Normal naman ‘yun kasi sa magkakapatid nga nag-aaaway away. E lalo pa kami, puro kami babae, siyempre lahat kami may kanya-kanyang pag-uugali,” sabi naman ni Mia. 

Panuorin ang episode dito: 

Kamakailan ay ginanap ang unang batch ng auditions para sa mga bagong member ng Sexbomb Newgen Girls. Ang susunod na audition ay mangyayari sa June 29.