HomeTopNews Philippines

“Pag-ibig o Trabaho: Alden Richards at Kathryn Bernardo, ano nga ba ang pipiliin?”

Isa sa mga nakatuwaang itanong sa “Hello, Love, Goodbye” lead stars na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung ano ang priorities nila sa kanilang buhay ngayon.

[embedded content]

Sa isa sa mga promotion ng kanilang pelikula, sumagot si Alden at Kathryn kung ano ang mahalaga sa kanila ngayon.

Unang sumagot si Alden na nagsabing bigyang halaga ang showbiz career at true love kapag ito’y natagpuan na.

“Bigyan ko rin kasi ng meaning yung pangarap kasi yung pangarap yun angvgusto mo maging career di ba when you say love naman ilagay na natin siya sa aspeto ng true love. Kung true love ang nandyan makikita mo na makakasama mo ng pangmatagalan” sagot ni Alden.

Si Kathryn naman, proud na balanse ang personal na buhay ngayon.

“Syempre kung personal love kasi tama si alden eh kasi kung nandyan na minsan lang yan eh kung career ok na sana pero kung walang love ang lungkot naman mabuhay ng ganun di ba? Pero ngayon napatunayan ko ang swerte ko meron ako pareho ngayon” sabi pa ni Kathryn.

Pinaka applauded naman ang sagot ng Direktor na si Cathy Garcia-Molina na hindi nagtagal sa kanyang pag pili sa career over Love life.

“Ako, obviously i will choose love! (Sigawan lahat) masayang sagot ng Direktor.

Simula ngayong July 31, mapapanood na ang “Hello, Love , Goodbye”.